XXXIII.II -Friendship (B)

9.6K 433 11
                                    

Eto 'yong part na hindi nasama sa last update. Badtrip! .____.




C H I N O ' S  P O V

Loko talaga 'tong Julz, binulabog niya talaga buong academy sa paglabas niya ng tunay niyang pagkatao. Si Booey lang pala makakagawa nun. Angas talaga ng babaeng 'yon! Hahahahaha!


Tawa ako ng tawa habang nagku-kwento si Galaxy sa'min e. Ngayon ko lang din nalaman na si Cass pala 'yong dahilan bakit naisipan ng mokong na 'yon magpanggap na bading. Akala ko para lang makachansing sa babae kaya siya nagpanggap e. Buti nalang at torpe siya at di niya naligawan si Cass ko.



Pagkalabas namin ng canteen, nakita ko si Cass na hila-hila si Julz.


"Tol, san ka pupunta?" tanong sa'kin ni Lyle. Hindi ko namamalayan na pasunod na pala ako sa kanila.



Ewan. I have this feeling na gusto ko silang sundan.



"May kukunin lang ako kay Joyanne mylabs." palusot ko.


Sinundan ko sila hanggang sa makarating kami sa gym.

Nagulat ako sa ginawa ni Cass kay Julz. May konting kirot akong naramdaman sa puso ko ng makita kong hinalikan niya si Julz. Tangina lang.


Paalis na sana ako ng makita kong inilayo ni Julz si Cass at parang hindi niya nagustuhan ginawa ni Cass na ngayon at nakatungo na.


Naghanap ako ng pwedeng pagtaguan na malapit sa kanila.



Sa galing kong pumili dito pa sa tabi ng malaking trashbin ko pa napili! Wow di ba? Ang problema, hindi ako pwedeng sumilip dahil makikita ako.




"Sorry Cass pero may iba na akong gusto.." Sagot ni Julz kay Cass na hindi ko alam kung ano sinabi.


Hindi kaya nagtapat na siya? Ouch tol! Mas kumirot 'yong puso ko sa naisip ko.


"P-pero.. Di ba? Ako dahilan..?" basag na boses ni Cass nung sabihin niya 'yon.



"Last last month lang.. Nakita ko sa conversation niyo ni Gray nung nakitext ako. Simula nun, naghintay na ako." fuck! Mas gwapo pa ako kay Julz eh!

"I'm sorry p-pero may iba na talaga akong gusto at bestfriend na lang talaga tingin ko sa'yo." wow! Ang gwapo mo tol ah?! Friendzoned mo 'yong mahal ko?! Pta naman! Naiinis ako! Ang swerte swerte mo nga eh!



"S-sino?" umiiyak na sya this time.



"Si... Booey."


.....


.....



.....



.....


"Cass, wait!"



Pagkarinig ko nun lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Wala na din sila sa kinakatayuan nila. Hinahabol ni Julz si Cass..



Pakingteyp naman!



Tumakbo din ako sa direksyon na tinungo nila hanggang sa mapunta sila sa may cr ng babae sa second floor. Nasa dulo pa ako ng hallway nun kakaakyat ko ng hagdan.



Si Julz nasa labas ng cr at kinakausap si Cass..


Pasimple lang akong naglakad para kunyari mag-cr din yong cr namin katabi lang ng cr ng girls.



Malapit na ako ng biglang pumasok si Julz. Loko-loko talaga!


Kaya nag-stay nalang ako sa may pinto. Biglang pumasok sa eksena si Booey.


Lahat ng usapan nila rinig ko sa labas hanggang sa mag-walk-out nanaman palabas si Cass. Tumakbo siya patungong hagdan kaya hinabol ko agad siya.



Sa kakamadali niya, nagkamali siya ng tapak sa pangatlong baitang mula sa baba. Buti ay medyo mababa nalang 'yon pero masama parin ang bagsak niya.

Dali-dali akong lumapit sa kanya para tulungan siyang makatayo.



Nakakaisang hakbang palang siya pero namimilipit na siya sa sakit.

Lumuhod ako facing my back at her para pasanin siya. Ilang segundo pa ang lumipas pero walang sumasakay sa likod ko.


"Sumakay ka na." Ma-otoridad kong utos.


Pagkasabi ko nun, pumasan na siya.


Pinasan ko siya hanggang sa clinic.



Pagdating namin sa clinic ginamot agad 'yong ankle niya at nilagyan ng benda.


Pagkatapos lagyan ng benda, umalis muna 'ylng nurse para makapagpahinga siya.


Pero pagkaalis nung nurse binalak na din niyang umalis kaya pinigilan ko agad siya.



"Saan ka pupunta?" seryoso kong tanong.




"Uuwi na p-po. S-salamat po." nanginginig 'yong boses niya at parang iiyak nanaman.

Lumuhod ulit ako sa harap niya para pumasan siya pero parang kanina ulit ayaw niya ulit sumakay



"Sumakay ka na." Seryoso kong sabi.



Sumakay siya.. Pagkasakay nya, ibinaon niya agad 'yong mukha niya sa balikat ko para umiyak.


Sinimulan ko ng maglakad paalis ng clinic.


Every drop of her tears on my shoulder feels like a dagger. So much pain.. Pain that even my heart feels. Her hug's so tight that even my heart can't breath.

Paano ko ba siya papatahanin? Paano ko ba tatanggalin 'yong sakit na nararamdaman niya?



Cassandra, andito naman ako e. Ako na lang.. Kahit araw-araw pa akong lumuhod sa harapan mo at ipasan ka okay lang. Hindi ako kasing bait ni Julius pero hindi kita sasaktan kagaya ng nararamdaman mo ngayon.. Kung kaya ko lang talaga magsalita sa harap mo, Cass.



Ang torpe ko.



•••••••

Author's note:

Hi! Medj nakakabadvibes kasi nawala lahat ng tinype ko. So, ayon... Mag two years na 'tong on-going. Hahahaha! Tibay! Pasensya. Spell busy? M-I-A-H. Hahahahaha!




Pavote and drop comment narin. :(

Mag-update ako ASAP. Sana 'yong ASAP na 'yon is BUKAS! Yey! Hahahaha! Enjoy reading

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Where stories live. Discover now