Chapter Fifty Nine

8.4K 309 43
                                    

Narrator

Lahat nag-aaalala dahil dalawang araw ng hindi mahanap si Booey.

"Yes tita. Wala parin pong tawag galing sa kanya e." bigong sagot ni Eyel kay Venice na alalang-alala sa kanyang anak.

[Sige, 3p.m ang arrival namin diyan sa Pilipinas kasama tito mo. We have to go.] Paalam nito.

"Sige po, tita. Ingat po." tsaka niya in-end 'yong tawag.

"Haaaayy! Ano na bang gagawin ko?! Nasaan ba kasi si Angelique?!"  naihagis nalang niya katawan niya sa tabi ng asawa niyang nakaupo sa sofa habang karga ang kanilang anak na si Philzoe.

"Nagpapalipas lang 'yon ng init ng ulo. For sure nasa safe na lugar 'yon. Kilala natin ang pinsan mo, hindi niya ipapahamak sarili niya dahil alam niyang may mga taong masasaktan pag nangyari 'yon. Sa ngayon, siguro gusto niya lang talaga mapag-isa." pagcocomfort sa kanya ng asawa niyang nilalaro si Philzoe.

Tinignan siya ni Eyel at tinaasan ng kilay, "hindi mo kasi pinsan 'yong nawawala! Kaya parang wala lang sa'yo." 

"Hindi totoo 'yan. Alam mong parang kapatid na rin turing ko sa pinsan mo na 'yon."  kalmang sabi niya, dahil alam niyang pag ganito ang asawa niya ay mas magandang hindi na pinapatulan pa. 

Habang inaalala ni Harley 'yong araw na sinundan niya si Booey sa Morato at sinabihan si Galaxy na puntahan siya doon.

Nasa parking lot lang siya noon at nagmamasid sa loob ng kotse. Buti ay nasa harap siya ng bar at nakikita niya kung sino ang labas-masok sa bar.

Napangiti siya ng makita ang kapatid niyang pumasok sa bar na pinasukan rin ni Angelique.

Sinigurado niyang nakapatay ang kanyang cellphone.

Nang makita niyang lumabas si Galaxy habang nakaakbay si Angelique na mukhang wala ng malay tao ay naisip niyang umuwi na sa kanila.

"Ayokong manisi pero kasalanan nila tita 'to e. Masyado nilang kinawawa si Angelique. I mean.. anak nila si Angelique pero bakit ganun nalang nila ipagtanggol 'yang Paulette na 'yan?! Minsan nga gustung-gusto ko ng ilaglag 'yang si tita kay papa e!"  maktol ni Eyel sa kanyang asawa.  Na dahilan para maputol ang kanyang iniisip.

"Baka naman may dahilan ang tita mo at alam naman nating hindi nila gusto 'yong nangyayari. Tsaka, hindi naman kasi lumaki si Angelique sa kanila---"

"Yan! 'Yan pa! Isa pa 'yang dahilan bakit nagrerebelde 'yong pinsan ko e!"

Napatahimik na lang si Harley dahil alam niyang tama ang kanyang asawa.

*+*+*+*+*

Nginingitian ni Paulette ang sinumang nakakasalubong niya sa hallway pero karamihan sa kanila ay hindi maganda ang tugon sa kanya dahil sa nangyari kay Angelique. Pinagsawalang bahala na lang niya ang trato sa kanya ng ka-eskwela at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa classroom nila na ganun din ang trato sa kanya.

"The bitch has arrived." walang ganang anunsyo ni Alex sa loob ng silid aralan nila.

Nginitian lang siya ni Paulette na nilapag ang gamit sa kanyang table.

Biglang tumayo si Alex at hiniklat ang kamay niya, "Pag may nangyaring masama kay Booey, sasamain din sa akin 'yang pagmumukha mo!" tsaka niya tinulak si Paulette na napaupo sa kanyang upuan.

Hindi na niyang nagawang lumaban pa dahil nakita niya kung gaano kagalit ang mga mata ni Alex; nagpupuyos ang mga ito at parang gustong kitlin ang kanyang buhay pag sinubukan niya pang manlaban. Isa pa, parang lahat ng ka-klase niya ay gusto siyang kalbuhin.

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon