XLVII

10.6K 382 12
                                    

B O O E Y ' S P O V

Napabalikwas ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto.

Tss. Nakatulog pala ako. Tumingin ako sa bintana, madilim na.

Kumatok ulit kung sino man 'yong kumakatok.

Tumayo na ako at tinungo 'yong pinto para buksan.


"Hi beeeeeeh!" Nagwewave na sabi ni Alex kasama si Nikoy.

Nilakihan ko bukas ng pinto para makapasok sila.

Sinara ko na at ni-lock 'yong pinto. Mamaya may masamang elemento pa ang pumasok.

"Ginagawa mo? Bakit puro ka pintura?" Binuhat ni Alex si Nikoy at inupo sa couch tsaka niya binuksan 'yong T.V.

"Kagigising mo lang ba?" Tanong niya ulit.

Pumasok ako sa banyo.

Naramdaman ko namang sumunod si Alex kaya ni-lock ko agad pintuan.

Ang daming tanong. Inaantok pa nga ako e. Ayaw gumana ng utak ko kaya di ako sumasagot.


"Uy beh! Kanina ka pa ah! Bakit di ka sumasagot?" Kasunod nun ang tatlong katok sa pinto.


Psh!

Pumasok ako sa walk-in closet para kumuha ng bathrobe at tuwalya para maligo.



***

tapos na ako maligo at nakabihis na ako pero may tuwalya parin sa ulo ko.

Napansin kong sinisimangut-simangutan ako ni Alex.

Problema nito?

Umupo ako sa vanity table at naglagay ng pabango tsaka tinanggal 'yong towel sa ulo ko.


Napatingin ako sa reflection ng salamin, nakita ko si Alex na iniirapan ako.



"Tigilan mo pag-b-beautiful eyes diyan." Natatawa kong sabi.

"Ha. Ha. Ha. So funny naman that beh." She faked a laugh tsaka ako inirapan nanaman.


"Problema mo?" Sinaksak ko 'yong blower dahil ayoko ng basang buhok.

Tumayo si Alex at lumapit sa'kin.

"Kanina ka pa kasi e. *pout* kinakausap parang walang kausap. Minsan iniisip ko na, you don't like me as your friend. Lagi ko nalang ipagsisiksikan sarili ko. Sanay na ako." Anak ng. Humuhugot ba 'to!?


Binuksan ko 'yong blower at itinutok sa mukha niya.

"Drama mo."


"Ay! Ano ba yan beh, 'yong false eyelashes ko! Baka matanggal! Ugh! Kainis ka!" Tsaka siya aligagang tumingin sa salamin para icheck.


Todo make-up e kakain lang naman.

"Akin na nga yan." Tsaka niya inagaw 'yong blower at kumuha ng brush.

Pinabayaan ko lang siyang i-blower 'yong buhok ko

"Now, speak." Sabi ko.

"Ayoko na. Nagtampo na ako." Nakapout niyang sabi habang patuloy parin binoblower 'yong mahaba kong buhok.


"Okay." Sabi ko. Arte talaga. Kung kailan nasa mood ako makipag-usap tsaka nag-inarte.

"Baby, do you have gift for me?" tanong ko kay Nikoy na nanonood ng Teen Titans Go.

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Where stories live. Discover now