XXX- Baby Piso's Babysitters

12.2K 403 14
                                    

B O O E Y ' S P O V

Andito ako ngayon sa tapat ng bahay nila ate Eyel. Nag-doorbell ako at inilabas ang phone ko. Wala kasing pasok tapos sobrang boring sa bahay kaya dito na muna ako.

"Oh! Angelique." gulat na bati sa'kin ni kuya Harley.

"Bakit parang 'di mo ineexpect na dadating ako? Eh di ba pinapapunta niyo nga ako?" tsaka ako pumasok sa loob.

Tumawa siya, "Hindi ko talaga ineexpect na pupunta ka. Out of 100 na aya namin sa'yo 2-3% lang ang chance na papayag ka." tsaka niya sinara pinto.


Tinignan ko siya inirapan, "Asan si ate Eyel?"

"Nasa taas. May ginagawa. Nasa sala si Philzoe." sagot niya agad kahit di ko pa tinatanong.


"Ahh.. Sige." tsaka ako pumunta sa sala at nakita dun ang pamangkin ko na pagapang-gapang sa sahig na nilatagan ng malaking foam at may mga stuffed toys.

"Gusto mo meryenda?" tanong ni kuya na nasa likod ko pa pala.


"Maya nalang. Hihingi nalang ako kay manang." Nilagay ko bag at cellphone ko sa sofa tsaka ako lumundag sa foam para makipaglaro kay Piso.


"Wala sin a manang. Day-off nila pag sunday." sabi ni kuya na umupo sa sofa.


"Ahh.. Sige. Ako nalang kukuha mamaya. May laman ba ref niyo?"


"Refilled na 'yon. Kaka-grocery namin kaninang umaga." Sabay tawa niyang sabi.

Hindi na ako sumagot at pinagpatuloy pakikipaglaro kay Piso.

~Timmy's a navish kid.. But no one understands.

"Weeeee! Fairly odd parents!" masayang sabi ko kay Piso na napatingin din sa TV. Favorite niya din 'to e. Napapatigil siya maglaro pag pinapalabas 'to.


"Leeeeng! Tara na! Iwan mo na muna si Piso kay pinsan." sabay pa kami ni kuya napatingin kay ate Eyel na nasa taas ng hagdan.


"Okay lang ba?" pag-aasure sa'kin ni kuya.


Sasagot sana ako ng "okay lang. Shupi na." pero inunahan ako ni ate.

"Oo, okay lang 'yan! Hindi tumatanggi kay Piso 'yan." tawa sabay smug si ate sa'kin.


"Psh! Gawin niyo na kung ano gusto niyong gawin." tsaka ko kinarga paupo si Piso sa hita ko at nanood kami.


"Thanks. Pag umiyak, may dede siya dyan. Bagong timpla lang yan." tumingin ako sa side table. May timpladong gatas na, pampers, baby wipes, pulbos etc..


"Sige. Ako na bahala." walang gana kong sagot.


"See! Sabi sa'yo eh! She's happy pa nga to babysit Piso! Kaya tara na!" energetic na sabi ni ate.

Ano ba gagawin nila at excited 'tong si ate?


Tumayo na si kuya at sumunod kay ate na pumasok na ng kwarto.


The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Where stories live. Discover now