XXV - It Runs In The Blood

11.5K 375 20
                                    

B O O E Y ' S  P O V

"What the fudge! What the ferk did you do to my dress?!" pag-hy-hysterical ng pamilyar na boses.

Nasa park kami ngayon nila ate para ipasyal si Piso.

"Are you dead serious?! Sana naman frappe ng Starbucks ang sinaboy mo sa'kin! Ano 'to?! COKE SAKTO?! Pagkasyahin kaya kita dito!"  tsaka tinapon ni ate Meyn 'yong bote na kakahablot lang niya dun sa babaeng nakikipagtarayan din sa kanya.

Ate Eyel and I walked hastily towards them.

"Sharmaine, ano 'to?" ma-awtoridad na boses ni ate. Sa aming tatlo si ate Eyel pinakamatanda.

Napahinto naman si ate Meyn sa ginagawa niya.

"This bitch ruined my Dior dress with a coke sakto, what the heck?!" kulang na lang eh ingudngod ni ate  Meyn 'yong babae. Good thing, hindi kagayaa ko si ate Meyn na nambabasag ng mukha.

"Jur-jur dress ka pa d'yan! Kaartehan mong gaga ka! Tama bang apakan mo 'yong panyo ko?! Tapos ikaw pa maldita!" napatingin kami pareho ni ate Eyel dun sa babae. Mukhang ready mambasag ng mukha si ateng jeje.

"Eww! Iskwater ugali! I thought it's basahan e. Panyo mo pala. Like, eww.. Panyo ba yang basahang yan? May mga printed.. weeds ba yan?! Yuck!" biglang hinablot nung babae at nung kasamahan niya 'yong buhok ni ate Meyn!

"Hooooy! Angeliiiiquuuue!" si ate na umaawat habang buhat si Piso.

"Tumabi ka dyan ate, natatamaan si Piso! Bayaan mo yan si ate Meyn." tsaka ko hinila si ate EYelpara ilayo. "Ate Meyn, lumaban ka nga!"

"ANGELIQUE! DON'T YOU  KNOW HOW TO FREAKIN.. AWW! COUNT?!" sigaw  ni ate Meyn "OUCH ! MY NAILS!"

Hinila ko na sa buhok 'yong dalawa at itinapon sa lupa dahil naawa na din ako kay ate Meyn, hindi marunong lumaban, nakakabwisit panoorin.

"Gago ka ah!" sigaw nung isa kong tinapon sabay silang tumayo at sumugod sakin.

Matagal-tagal na rin akong walang human punching bag.

Sinapak ko sa mukha 'yong isa at tinadyakan ko sa sikmura 'yong isa. Namimilipit sila pareho sa sakit.

''Yong isa naman sinasabunutan parin si ate Meyn.

Tinatanggal ko 'yong kamay niya sa buhok ni ate Meyn pero naka buhol na ata 'yong dalri niya sa buhok ni ate.

"Bitawan mo!" utos ko pero parang wala siyang narinig

"Ouch! It hurts! Take it off!" ate Meyn

Hinawakan ko pareho 'yong sa bandang pulso nung babae at hinigpitan ko hanggang sa luwagan niya hawak sa buhok  ni ate Meyn.

"Araaaaaay!" daing nung babae.

"Aray?" tsaka ko siya nginisian tapos hinigpitan ko pa lalo 'yong grip ko hanggang sa mapaluhod na sya.

Si ate Meyn naman inaayos na ang sarili at kung ano-ano lumalabas sa bibig.

"Kick her ugly butt!" ate Meyn

"Ikaw kaya gumawa!" sabi ko.

"Nah-uhh." pagtanggi ni ate Meyn

Sunod-sunod na pito ang narinig ko.

Ang sarap balian ng buto 'tong bruhildang 'to.

Kailangan ko pa bang sabihin na maraming nanonood? Park kasi 'to 'di ba? Malamang madaming tao, may mga nagvivideo pa nga e. Oh, anyway.. Tanod  pala 'yong pumipito.  At, ngayon, inaawat kami.

**********

"Bakit pa kasi sa park niyo naisipang makipagkita?! Tignan niyo tuloy nangyari sa'kin!" reklamo ni ate Meyn kay ate Eyel na iniistar na 'yong engine ng kotse. Kakaalis lang namin sa Brgy. Hall..


"Ipapasyal ko nga si Philzoe."

Umaandar na 'yong sasakyan.

Nadaanan pa namin 'yong tatlong jejemon na nakatayo sa tawiran.


Sabay-sabay nila kaming pinakyu.



"What the---" ate Meyn.


"Oh, wag mo ng patulan." Suway ni ate.

Bago pa ako sawayin ni ate ay napakyu ko na din sila.

"Ugh.. Wag mong gagawin 'yan sa harap ni Philzoe." nilaro ko naman si Philzoe na nasa tabi ko.


"Hehehe. Sorry baby." tsaka ko pinagkikiss 'yong pisngi niya.


"Ikaw naman, Sharmaine, bakit ka naman napaaway doon? Talagang pinatulan mo si ateng jeje ah." Si ate na patuloy na nagda-drive.


"It's not really my fault. I thought talaga na it was basahan.. Pasalamat nga sya Jimmy Choo ang dumampi sa panyo niya. Ako nga dapat ang magalit dahil 'tong cheap nyang weeds na panyo dumikit sa baby ko. And.. Coke sakto?! Errgh!" naiinis na kwento ni ate Meyn.

Kahit ako naiinis.. Sa way ng pagkkwento niya. -______-



"Oo nga 'no?! Jimmy Choo nga! 'yan ba 'yong limited edition na nilabas nung august?!" Excited na tanong ni ate Eyel.



Oh crap. Here they go again. -_____-



"Yea. Nasa Italy ako nung nakita ko 'to." Pagyayabang ni ate Meyn.


"Sayang, hindi kasi ako nakabili nung nasa New York kami ni Harley."


"Ate, saan na tayo pupunta." Pag-iiba ko ng usapan nila.


"Sa bahay na ng makapagpalit 'tong si Sharmaine. Amoy COKE SAKTO na e." Pang aasar ni ate Eyel.


"Ha. Ha. Ha. Funneh~" ate Sharmaine.


**••**••**••

"So, gaano ka katagal dito sa Pilipinas?" tanong ni kuya Harley kay ate Sharmaine.


Kumakain kami ngayon ng lunch.


"'di ko pa alam. Pag nagsawa ako maybe." then she laughed.


"Bakit? Na-mi-miss mo na ba 'yong boyfriend mo?" tanong nya ulit



Bigla siyang siniko ni ate Eyel tapos tumingin sakin si ate.


Tinaasan ko ng kilay si ate na parang nagtatanong bakit?


Pero hindi ako pinansin ni ate. Inaatale nanaman siguro ng pagkasinto-sinto.


"Yeah.. Kinda. I haven't seen him pa nga since he fetch me at the airport." nakapout na sabi ni ate Meyn.


Tumingin ulit sa'kin si ate Eyel


Pinanlakihan ko na siya ng mata.


Problema ni ate?



"Balita ko nga he's been spotted dating a highschool girl.. Like, omg! Anlandi naman ng batang 'yon?! Highschool pa lang siya tapos nilalandi na niya boyfriend ko!? If I see her, i'll cut her hair out." nakasimangot na sabi ni ate.


For the third time tinignan ulit ako ni ate Eyel this time, weirder.


"Ate Eyel! Ano ba?! Tingin ka ng tingin sa'kin! Ano ba 'yon?!" Naiinis kong tanong.



Napatingin naman si kuya Harley at ate Sharmaine kay ate Eyel na aligaga.


"Pinagtitripan mo nanaman si Angelique babe." si kuya Harley.


"Ahh.. Hehehe. Ang cute mo kasi pinsan." Tsaka sya sumubo.ng tuloy-tuloy.


May tinatagl 'to e.


Inasiman ko lang siya ng mukha.


Utot mo ate.

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon