XX- Intuitions

17.1K 483 14
                                    

Cassandra's POV

"Molina, ipasa mo sa'kin!" pagkarinig ko nun agad kong pinasa kay captain 'yong bola tsaka niya ito idrinive papunta sa ilalim ng ring tsaka idinunk.. no idinakdak.

Para siyang si Akagi! *__*

"Nice pass, nerd." sabay siko sa'kin ng mahina ni Chan.

Hindi na lang ako sumagot. Hindi naman kasi maganda 'yong sagot na iniisip ko. Hehehe.

Sa laking tao ba naman ni captain, parang wala ng may gustong bantayan siya e. Hehehe.

"Nice game guys. Kahit paano nag-iimprove na ka'yo. Water break na muna." sigaw ni captain.

Umupo ako sa unang step ng bench tsaka kinuha sa bag ko 'yong towel at gatorade ko.

Naubo ako ng may bumangga sa likod ko habang umiinom. Pinunasan ko 'yong bibig ko tsaka tinignan kong sino.

Titignan ko lang naman, wala naman akong magagawa kung binangga niya ako e. Mamaya maging kasalanan ko pa kasi paharang-harang ako sa dinadaanan niya tapos magiging dahilan pa para I-bully nanaman ako. Hayy. Lagi namang ganun.

Pagkalingon ko, nilingon din ako nung lalake. Si Chino. Tumungo nalang ako tsaka itinuloy ang pagpupunas. Wala naman akong mapapalang sorry dun sa babaerong 'yon. Mas okay ng magpatay malisya kesa ma-bully. Hehehe.

Hay. Asan kaya 'yong bae ko? Si Tyger? :( Kailangan ko ng vitamins. Hihihi. Bakit kasi soccer pa ang sport niya e, sa field tuloy siya. :(

Teka, si Chino 'di ba sa swimming siya? Bakit-- "ahh.. Oo nga pala basketball player nga pala si Lyle." bulong ko sa sarili ko ng mapagawi ang tingin ko sa nagpa-practice shooting na si Lyle.

Tig-half court kasi kami kaya madalas kong nakakasabay sa practice si Lyle.

~Who lives in the pineapple under the sea?~

I quickly rummage into my bag when my phone rings.

~Spongebob Squarepants!~

Si Booey!

~Absorbent and yell--

Inislide ko na agad 'yong screen. Ayaw nun ng pinaghihintay e. >___

(Ano ba nerd! Malo-lowbatt na 'yong phone ko kakatawag sa'yo!)

Hindi pa'ko nakakapag-hello 'yan agad bungad sa'kin. Hay. Bully talaga.

"S-sorry. Nasa practice e."

(Mall tayo.)

Grabe naman 'to! 8:30 palang. Hindi pa kaya nagbubukas mall.

(Alam kong hindi pa bukas mall! I can imagine your look while spacing out)

Waaaaaaah! Grabe! Minsan 'tong si Booey may pagka-Edward Cullen 'to e!

(Oh, wag mo nanaman ako ikumpara dun sa bampira!)

Oh! Kitams!

(Papunta na'ko diyan. Gusto ko pagtungtong ko mg entrance andun ka na.) Bossy niyang sabi.

"P-pero--"

*toot-toot-toot*

Waaaaaaaaah! Grabe talaga si Booey! Pag sinabi niya, sinabi niya. o(>___

Paano 'to? Nakakatakot pa naman si captain pag nagalit. Ayaw niya ng sinusuway siya at napaka-strikto niya sa oras. T__T

Pero mas nakakatakot si Booey! Waaaaaaaaah!

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora