XXXIV- The Player's Love

10K 394 6
                                    

C H I N O ' S  P O V



Andito na kami sa tapat ng gate nila Cass, hinihintay naming buksan ang gate.

Ako na mismo naghatid sa kanya dahil sa mga oras na 'to, gusto ko pa siyang makasama.. Pakiramdam ko kailangan niya ako. Feeling ako ang assuming ko. Hahahaha!

Pagkapasok namin pinasan ko ulit siya hanggang sa may pinto. Mommy niya ang nagbukas sa'min.


"Oh, anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ng mommy niya.

Nakaakbay na ngayon sa'kin si Cass.. Sarap sa feeling. Hehehe!


"Nagkamali ako ng tapak sa hagdan, my." tsaka kami pinapasok.

"Bakit namamaga 'yang mata mo?" pagkasara niya ng pinto.

"Syempre po, masakit." alam kong ibang sakit 'yong tinutukoy niya.


Inupo ko siya sa sofa katabi ko.


"Iho, anong pangalan mo? Salamat sa paghatid sa anak ko ah?" mukhang mabait mommy ni Cass ah. Makapagpapogi nga.


"Chino po." Nagsmile ako ng todo sa mommy niya.

"Ka-poging bata naman are. Wait lang ha? Kukuha ko lang kayo ng meryenda ni Cassey. Nood muna kayo ng t.v." tsaka binuksan 'yong malaking flatscreen sa harap namin at inabot sa'kin 'yong remote pagtapos ay nagtungo na siya sa kusina.


Umupo ulit ako sa tabi ni Cass..


"Wow! Apocalypto palabas." bulong ko. Nilapag ko 'yong remote sa lamesa.



Ang presko dito sa bahay nila Cass. Mataas kasi 'yong ceiling tapos glass 'yong dingding nitong sa part ng sala kaya kita 'yong garden nila na may nagdidilig pang katulong nila.


Nakaramdam ako ng awkwardness ng maramdaman kong may isang pares ng mata ang nakatitig sa'kin.


Tinignan ko si Cass.


"Bakit?" mata sa mata niyang tanong.


Napalunok ako. Pta naman! Walang titigan, Molina!


Stayed cool kahit feeling ko pawis na pawis nako.


Nginitian ko siya. Bigla siyang nahiya..


Nasaan na 'yong mga pamatay na pick-up lines ko na patok sa mga chicks? Nasaan na 'yong madiskarteng Chino? Shit! Paano ko ba popormahan 'tong si Cass! Ang hirap naman pumorma sa babaeng iba sa lahat ng babaeng pinormahan ko.


"Thank you, po." ayan nanaman siya sa 'po' niya.

"Wag mo na akong i-'po', Chino na lang." tinignan ko siya nakatingin nanamn siya sa akin. Naiilang ako! Feeling ko may dumi ako sa mukha.

"...K-kasi kaibigan k-ka naman ni Booey e. Kaya Chi-chino nalang." mukha ba akong kabado? Pakshet!



Nalungkot ulit siya nung mabanggit ko pangalan ni Booey.. Oo nga pala. Siya dahilan bakit ayaw na sa kanya ni Julz.


Kailangan ko bang pasalamatan si Booey? Hahaha! Ang sama ko. Ako na bahala kay Cass.

"Mommy!" biglang sigaw nung lalaking kakapasok lang.



Akala mo naman may sunog makasigaw 'tong isang 'to.




"Uy, bunso may manliligaw ka? Bawal pa 'yan ah!" pabirong sabi ng 'malamang' kuya niya.


The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Where stories live. Discover now