XXXV - Pabebe Moments

10.8K 434 16
                                    

B O O E Y ' S  P O V

"Tygz, tama ba 'tong sagot ko sa equation four?"

"Oo." sagot niya pagkatingin niya sa papel ko. May exam kasi kami ngayon at hindi ako nakapagreview kagabi.

"Miss Smith, minus five." sabi ng teacher namin na kakapasok lang kasi lumabas siya saglit.

"Hala?! Ma'am naman e! One lang, isa lang naman 'yong tinanong ko e. Tsaka tama naman sagot kk. Hindi ako nangopya." nakangiti kong sabi. Wala naman akong pake kung minus five.

Nagulat si ma'am at mga ka-klase ko sa inasal ko.

Bawal ba ma-goodvibes?

"Sauce! Nangongopya talaga siya ma'am. Kanina pa niya ginugulo si Tyger." epal ni Abnoy.

Sasagot sana ako ng biglang nagsalita ulit si ma'am

"Focus. Ayusin niyo 'yang exam niyo lalo na mga alanganin ang grades. Mga fourth year na kayo kaya bawal na ang mag-petiks." tsaka siya nag-ikot-ikot sa buong room na parang guwardiya sibil na manghuhuli ng mga mandadaya.

••••••

Dahil exam days, half day lang ngayon. 7-12 ang pasok.

Andito ako ngayon sa tapat ng classroom nila Julz. Minadali ko ng tapusin 'yong last exam ko para sa ngayong araw para maabangan ko 'yong dalawa. 5 mins na akong andito pero hindi parin sila tapos.

Bakit ganun? Kung sino pa mga nerds sila huling natatpos? 'di ba dapat sila nauuna kasi matatalino sila at todo review sila kaya madali nalang 'sana' para sa kanila 'yong exam? Pssh!

"Booey!" tawag sa'kin ni Chino kasama sina Lyle at Kerv.

"Oh, singkit. Bakit?" Nakasandal ako sa may pader nung nilapitan nila ako.

"Ginagawa mo dito?" tanong niya.

Gago ba 'to? Ano namang pake niya sa ginagawa ko dito?

Hindi ako sumagot.

"Uy." tsaka niya tinusok pisngi ko.

Nagsalubong kilay ko.

"Anak ng! Problema mo?" naiinis kong tanong.

"Nagtatanong lang e." tsaka siya nag pout.

Psh! Pabebe talaga 'tong singkit na 'to!

"Idol, sama ka sa'min? Mag-mall kami!" yaya ni Kerv.

"Hindi. May lakad kami."

"Kami?" -Chino

"Sina Tygz at Galaxy nga pala?" si Lyle.

"Nasa room pa. Nagtetest."

"Uy, tol wait natin sila." sabi ni Lyle kay Kerv at Chino.

Nakita kong tumayo na si Cass at nagpasa ng papel. 'yong tatlong ugok andito parin. Psh! Naaalibadbaran ako sa kanila, hindi na lang pumunta kay Abnoy.

Sumunod na tumayo si Julia.. Julius at nagpasa ng papel.

Pagkalabas ni Cass nginitian ko agad siya.

"Antagal mo namang matapos ner--"

"Tara na, Chino." sabi niya kay Chino at parang hindi ako nakita.

Tinignan ako nung tatlo na parang nagulat sa inasal ni Cass.

Close sila? :|

Sunod na lumabas si Julia.. Julius! Punyeta! Gavinne na nga lang!

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon