IX- The Nerds! We're Friends?!?

16.4K 596 26
                                    

Pag pasok ko ng canteen, bumungad agad sa harap ko ang grupo ng mga nerds na binubully. Ano pa bang papel nila? Eh di ibully ng mga bully'ng patapon ang utak.

"Tabi!" Sigaw ko sa mga nakaharang sa daan na nakikiusyoso lang.

Konti lang ang nakapansin sa'kin kaya konti lang ang tumabi. 'yong mga nambubully, pinagpatuloy nila ang ginagawa nila. Nilagyan nila ng pasta 'yong ulo nung mga nerds tapos 'yon babae dinakot 'yong icecream na nasa baso niya tsaka pinatong sa pasta.


Nagsiiyakan 'yong mga walang kwentang nerds. Iba sa kanila lumalaban pero pag ginagawa nila 'yon tinatamaan sila.

Inilibot ko 'yong mata ko, nahagip naman nito 'yong CCTV. Tumingin ako dun.

"Ang laki ng tulong ng CCTV niyo!" Tsaka ako nagmake face sa harap nun.

Walang kwenta lahat ng bagay dito! Inilibot ko ulit paningin ko.

Napagdiskitahan ko 'yong upuan yari 'yon sa aluminum o steel? Hahaha! Boplaks ako sa mga bakal-bakal na 'yan, basta alam ko ipang hahampas ko 'to.

Kinuha ko 'yong upuan, hindi naman siya ganun kabigat kaya naiwasiwas ko siya at inihampas sa salamin ng pintuan.

Syempre, basag 'yon at lumikha ng ingay.

Now, I have their attention.

"gulo nanaman 'to."

"Talaga, kaya pag alis niya diyan sa pinto labas na tayo."


Kunyari di ko sila naririnig.

"SABI KO TABI!" Sigaw ko.

"Bakit sino ka ba?!" Sabay bato sa'kin ng hawak niya na pasta pero hindi umabot sa'kin

"Bastos kang negro ka ah!" binato ko naman sa kanila 'yong hawak kong upuan, unfortumately, may natamaan pero hindi napuruhan.

"Jacob, si Booey yan, 'yong bully ng 4-A." Sabi ng lalakeng katabi niya at naka smirk pa.

"Mukhang matapang nga ah" tsaka lumapit sa'kin.

Pero, pagkalapit na pagkalapit niya binigyan ko na siya agad ng isang matinding right hook. Sinundan pa ng sapak sa mukha. Nagsitakbuhan naman 'yong kasama niya sa'min at hinawakan ako. Pagkahawak nila sa'kin, sinapak naman ako sa mukha nung negrong Jacob na 'yon.

Pagkasapak niya sakin.. (Ay, nakalimutan ko mag ouch! Sakit! Sobra! Tumulo pa ata laway ko sa gilid ng labi ko.) May sumapak din agad sa kanya, pati 'yong dalawang humawak sa'kin may sumapak din. Sina Tyger at 'yong iba pa niyang kaibigan, except kay Abnoy ah? Kasi, nakatayo lang siya sa gilid at tuwang-tuwang nanonood.


Pinunasan ko 'yong labi ko, may dugo. 'Yon pala 'yong akala kong laway na tumulo.

Uminit lalo ulo ko kaya lumapit ako dun sa Jacob na binbanatan ni Tyger.

"Anak ng sapatos ka! Sipain kita ng Dr. Martens kong sapatos eh! Kailangan mo pa ng taga hawak para mabanatan ako!" Kinuha ko 'yong bote ng ketchup at hinampas sa mukha niya.

He grunted and cried in pain.

I'm about to give another one when someone pulled the bottle of ketchup, fuck!

"Damn! Baka mapatay mo na siya." Tyger threw the bottle causing it to break into pieces.

Oo, brutal ako pag nanggigigil. Pasensya na, ganun talaga ako.

Tinignan ko siya ng matatalim, hell I care?! Bakit ba siya nakikialam?!

napahinto nalang 'yong rumble ng may pumito at may nagsalita sa megaphone.

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon