XVIII-Baby Sitter

13.8K 449 6
                                    

"Hija, nakabihis na si Dominique. Matagal ka pa ba dyan?" tanong sa'kin ni mommy habang nasa labas siya ng kwarto.

"No, mom. Lalabas na ako, nakabihis na rin ako." tsaka ko kinuha 'yong sling bag ko at sinabit sa leeg ko 'yong DSLR ko.

Last day na nila bukas dito kaya ipapasyal ko kapatid ko ng kami lang.

Pagkalabas ko ng pinto andun si mommy na hinihintay ako.

"Oh, wala ka bang nakalimutan?"

Umiling ako tsaka na kami naglakad papuntang hagdan.

"You sure kaya mo mag-isa si Dominique? Makulit 'yang kapatid mo."

"Off course mom. Kahit gaano pa kakulit 'yang si Nikoy, kaya ko 'yang tabachoy na yan." Natatawa kong sabi.

Hindi naman sobrang taba 'yong brother ko, fluffy lang. Hahaha! Sarap kurutin e. >_<

Pagkakita sa'kin ni Nikoy tumakbo siya papalapit sa'kin, "Let's go! Let's go!" Habang hinihila-hili niya 'yong t-shirt ko na tinerno ko pa sa kanya.

Panda shirt kasi 'to. White shirt then hood na kulay itim tapos tenga ng panda tapos naka black shorts ako tapos black sandals.

Si Nikoy, full panda outfit talaga siya. Hahaha! Ang cute e. Isang set ng panda; t-shirt na may hood din gaya ng akin tapos short tapos rubber shoes.

Haaaay. Ang cute-cute niya. :""""")

Pasakay na kami ng kotse.

"Dumirecho na kayo sa bahay ng ate mo Eyel ahh?" Pag reremind ni mommy.

Doon kasi kami mag-didinner and malapit na 'yon sa amusement park na pupuntahan namin.

"Okay po. Love you mom!" nagwave na ako at sumakay sa kotse.

**••**••**••**

Habang nasa kotse kami, syempre nag-selfie kami ng kapatid ko.. Pero nung naumay na siya kaka-selfie naglaro na lang siya sa tablet pero ako patuloy ko parin siyang pinipicture-an. ^____^

3 pm na ng dumating kami sa amusement park, nakabili na rin ako ng ticket na ride-all-you can.

Kita ko sa ichura ng kapatid ko kung gaano siya ka-excited. Tuwang-tuwa siya habang may nakataling balloon sa kamay niya.. Okay.. May balloon din akong hawak. -_-

Una kaming sumakay sa carousel.. Tapos sa "chuuu-chuuu twain (train)" daw tapos "howsey-howsey (carousel) ulit" tapos sa chuuu-chuu twain tapos sa howsey-howsey. @___@

Nung naumay ako sa gusto ng kapatid ko bumili muna kami ng makakain at umupo sa bench na nakapalibot di kalayuan sa carousel. Gusto niya daw ulit sumakay dun mamaya. @___@

Juice mio marimar!

Pagkaubos namin ng pagkain namin, nakaramdam ako ng pagkapuno ng pantog ko kaya nag-cr muna kami.

Papuntang C.R nadaanan namin 'yong "bang-bang!" daw. 'yong stall na mag-lalaro ka ng may babarilin ka tapos pag nanalo ka may stuff toy ka.

"I want bang-bang!" turo niya sa stall.

"Later, I need to wiwi first." Sabi ko.

"Okay." Maikling tugon niya.

Nasa cr na kami, bago ako magbawas, pinawiwi ko muna si Nikoy. Hindi lang siya nag-wiwi, nag-poopoo pa siya. T____T

Buti na lang lagi akong may dalang scented wipes. :|

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Where stories live. Discover now