XLII

11.5K 433 52
                                    

C H I N O ' S P O V

Napanganga nalang kami pareho ni Galaxy sa sagutan ni Cass at Booey. Grabe! Ang lalalim ng hugot nila. Maya-maya umalis na si Booey at sumunod naman si Galaxy. Ako, hindi ko alam kung kanino ako pupunta. Napagawi ang tingin ko kay Paulette na ang saya ng ngiti. Siguro tama nga si Booey about her.

She doesn't even care kung umiiyak na 'yong katabi nya. Lumapit ako kay Cass at inabutan siya ng panyo, "stop crying." napatingin naman sila pareho sa'kin. Pero tumalikod din ako agad para umalis dahil 'di ko kaya makita si Cass na umiiyak. At, kailangan kong sundan 'yong dalawa. Nakakahiya naman kasi ako nag-aya. Kung hindi dahil sa akin hindi magkakagulo ng ganito.

Paglabas ko ng restaurant, nakita kong pababa na ng escalator si Booey at Galaxy kaya sumunod ako agad.


Hanngang sa nakita kong papunta na sila ng parking lot. Paano sila makakauwi, e nasa akin 'yong susi.


Dumirecho ako kung saan nakapark 'yong kotse pero wala sila doon. Saan naman sila nagpunta?

Inikot ko 'yong parking lot hanggang sa nakarating ako sa dulo at may narinig akong humihikbi.


Tapos umiiyak na. Nagsitaasan balahibo ko. Shit lang! Medyo madilim kasi dito, I mean malamlam 'yong mga flourescent. Indoor parking lot kasi 'to.


Narinig ko nanaman 'yong umiiyak! Shiiiit! Mommyyyyyyyy!





Iba talaga feeling ko e. Ang lamig pa ng hangin. Woooo! Sa ibang horror movies madami ding scene na sa parking lot ginaganap.



Palakas ng palakas 'yong iyak. Shet! Tatakbo na'ko! Promise tatakbo na'ko!!!



Binilisan ko 'yong lakad ko, kahit gustong gusto ko ng tumakbo! Pero habang naglalakad ako palakas ng palakas 'yong iyak!



"Uy! Tama na. Tumigil ka na kakaiyak. Hindi ko na alam gagawin ko oh. Mamaya may makakita pa sa'tin dito sabihin nirerape kita."


AY PUTEK! HALOS IUNTOG KO SA SAHIG 'YONG ULO SA POSTE NITONG PARKING LOT. PARA AKONG GAGO! SHIT! HAHAHAHAHA! NATATAWA AKO SA KA ENGOTAN KO!

Nasa may gawin kaliwa ko sila. Nakita ko si Galaxy nakaluhod sa harap ni Booey na nakaupo sa sahig at nakahalukipkip habang umiiyak.

Mababakas sa mukha ni Galaxy na alalang-alala siya. Umikot ako sa likod ng poste para di nila ako makita incase lumingon sila sa gawi ko. Paminsan-minsan sumisilip ako sa kanila.


Ngayon nakaupo na si Galaxy sa tabi ni Booey na umiiyak parin. Siguro e hinihintay nalang niya mapagod umiyak 'tong si Booey.




"Lagi mo nalang ako nakikitang umiiyak! Bwisit ka!" Sabi ni Booey sa pagitan ng hikbi niya. Asar na asar talaga siya kay Galaxy. Hahahaha! Ewan ko ba kasi kay Galaxy bakit pa niya inaasar si Booey kahit inlove na 'to sa kanya.

"Ayan, nakapikit na'ko. Tatakpan ko na rin tenga ko. Akala mo naman ang ganda ng boses mo pag ngumangawa ka." Tignan mo 'to. Konti na lang maniniwala na'kong Abnoy 'to e. Umiiyak na nga 'yong tao inaasar pa.


Sumilip ako at tinignan kung gagawin niya nga 'yong sinabi niya.

Ginawa nya nga. Nakatingin din sa kanya si Booey, gusto din ata makita kung gagawin niya nga o hindi. Pagkakita ni Booey yumuko ulit siya sa tuhod niya at umiiyak.


"Bwisit na nerd 'yon! Manggamit! Manloloko! Tinuring ko siyang kaibigan tapos 'yon pala turing sakin bodyguard! Ahhhhhhhhh!!" tsaka siya umiyak ulit.


The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Where stories live. Discover now