III-Annoying dinner

18.5K 644 13
                                    

Paglabas namin ng detention room.

Hindi pala, nauna silang lumabas tapos nagpahuli ako. Ayokong sumabay sa kanila. Mahawaan pa ako ng pagkaabno nila. Pagkalabas ko may kaguluhang nangyayari sa labas. May mga "concern" kunong mga mamalanding babae. OA? 'yong iba may fruits tapos cake tapos eto, may first aid kit pa! Anong kaabnormalan 'yan?! Paki-explain kasi hindi ko nagegets.

Noong makita nila ako.. Promise! Kung nakakamatay lang ang glare? Siguro hindi pa ako nakaka-isang hakbang bulagta na ako.

'Yong mga alipores ni Abnoy ineenjoy 'yong mga kalandian ng mga babae. Si Abnoy naman nagpapakipot tapos si pipi wala lang.. Parang wala lang talaga sa kanya. Kahit ata hipuan siya eh wala siyang pakialam. Ganun siya kawalang ekspresyon.

Dahil naumay ako sa nakita ko, lumayas na ako doon. Nakita ko naman sina clown na nasa gilid ng hallway at mga nagbubulungan at mga iniismiran ako.

Uwian na rin.. 1 1/2 lang na subject ang inaral ko ngayong araw.

Habang naglalakad ako sa lobby, biglang nag-vibrate 'yong cellphone ko na nasa bulsa ko. Tumatawag si ate kaya sinagot ko agad.

"Hello." I said.

"Sa gate three ka lumabas." she said on the other line.

"Ge."

 

 

end of conversation.


Nagtungo nga ako agad sa gate three. Nakita ko din agad 'yong kotse ng ate ko, agad akong lumapit doon tapos bumukas 'yong backseat.

"Hop in." sabi ng boses na nasa loob ng kotse.

pumasok ako sa loob. Pagkapasok ko, umandar na 'yong kotse.

"First day of school, how was it?" nakangiti niyang tanong.

Ngumiti din ako, "Well, I spent 5 hours on detention room just because of those freaks." pailing-iling kong sabi.

Natawa naman siya. "Madaming bullies at brats diyan."

 

 

"I know but I don't care." tsaka ako sumandal at pumikit.

"Friends dapat ang hinahanap mo, hindi kaaway." dagdag pa niya.

"Not interested. Mukhang wala akong magiging kaibigan doon." I said. Well, that's true, it's impossible for me na magkaroon ng kaibigan dun.

"Meron 'yan. Anyway, sa bahay ka na mag-dinner."

 

 

"Okay. Ay, oo nga pala ate. *dumilat ako at tumingin sa kanya* Pwede wag mo na ako ipahatid sundo sa driver? Tsaka pwede mo ba akong ipasok sa bar nung friends mo? Nakakabore kasi sa bahay. Tinatamad ako. Pwede naman akong mag-bartender."

Sa sobrang boring sa bahay, nag-aabang nalang ako ng langgam na maliligaw sa kwarto ko at kakausapin ako.

 

"Are you sure?" nag-aalangang tanong niya.

"Yes. May skill naman ako." natatawa kong sabi. Meron nga ba?

"Meron nga ba?" Sabay tawa. Natawa rin ako dahil 'yon din ang nasa isip ko.

"Oh, anong nangyari sa damit mo? Bakit may toyo?" habang hawak niya 'yong uniform ko. "tinoyo ka 'no?" dagdag pa niya.

"Mga banat mo ate." tsaka ako tumawa.

Tumawa din siya.

Ang bantot niya talaga mag joke.

⏩⏩⏩⏩⏩⏩

 

Sa bahay ni ate

 

 

"OH, andito na pala kayo! Sakto luto na 'yong dinner." salubong sa'min ng under niyang asawa.

Oo, under 'yong asawa niya. Sunud-sunuran sa ate ko. Ang boring ng relasyon nila, walang away-away.

"Sorry babe, nag-shopping pa kasi kami" tsaka sila nagkiss. -_-

Pinuntahan ko 'yong pamangkin ko na 1 1/2 years old na nanonood ng Pocoyo habang naka upo sa walker niya na nasa sala.

"Hi baby Pisooooooooooo!!!" malakas kong sabi na dahilan para magulat si baby Piso pero nung nakita niya ako ay tumawa ito ng tumawa.

"It's not Piso! It's Philzoe! sita ng asawa ni ate.

"Pssh! Pilzo, piso, piso pareho lang 'yon!" kinarga ko si baby Piso at pinaghahalikan 'yong matataba nitong pisngi.

Sabik na sabik ako sa kapatid.

"Halika na nga dito. Kumain na tayo, wag mong istorbohin si Philzoe sa panonood niya." sabi ng asawa ni ate sa akin.

Binalik ko na siya sa walker niya pero bago ko siya tantanan pinaghahalikan ko ulit 'yong pisngi niya. Ang cute-cute kasi. Siopao! (♥3♥)


⏩⏩⏩⏩⏩

 

Habang kumakain kami, eto nanaman si kuya kakareto sa kapatid niya. Like, seriously? Ni hindi ko pa nga nakikita 'yong Pontio Pilato na 'yon! Makareto 'to!

"Alam mo bang interesado sayo 'yon?" Ngiting-ngiti niyang sabi.
 

 

hindi ko siya pinansin, pinagpatuloy ko lang 'yong pagkain ko. Nakakairita 'tong Andres na 'to!

"Minsan lang maging interesado sa babae 'yon" dagdag pa ni kuya.

"So? Wala akong pake. Tsaka mamaya mukhang paa yan."

natawa si ate.

"Oist! Walang panget sa lahi namin 'no!" protesta niya.

Hindi ulit ako umimik.

"Basta, pag ayaw mo sa kapatid niya, i-date mo 'yong pinsan ng kaibigan ko. Gwapo din 'yon. MAS mabait." sabi naman ni ate.

Oh di ba? May kanya-kanya silang manok? Kaurat. -_-

"Ayoko."

 

 

Sa susunod hindi na ako kakain dito. -__-

"Dali na. Sa saturday ano?" sabi ni ate.

"Uy! Bakit ganyan? Ang daya ahh! 'yong kapatid ko muna!" sabi naman ni kuya.

"AYOKO NGA!" I said. Pag-uuntugin ko 'tong mag-asawa 'to eh! Ang kukulit!

Nagtawanan 'yong dalawa. PSSH! Hindi ba nila alam nakakainis sila?

Hindi ko na sila ulit pinansin. Bahala na sila sa buhay nila!


After dinner, hinatid na ako ni kuya sa bahay. nagpaiwan si ate para bantayan si Philzoe.

Nag-usap din kami ni kuya about sa school.. Ang weird niya. Oo, may weird sa kanya pero hindi ko masabi kong ano..

Pagdating ko sa bahay, naglaro lang ako saglit tsaka ako natulog. Walang kwentang araw... Ay, hindi pala.. Medyo na-goodvibes ako sa pamangkin ko. Sana inuwi ko na lang siya dito.


❌❌❌❌❌

 

Next Chapter: "My autistic Classmates"

Edited:
11-20-'16 1:00 a.m

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant