XLIV

11.5K 438 30
                                    

C H I N O ' S P O V

6 AM.

Tahimik lang akong nagmamasid sa tatlo habang nagbe-breakfast kami. Wanjo! Hindi ko alam anong nangyari sa kanila kagabi kasi isa-isa silang umalis. Pagkapasok ko ng bahay kagabi, nakasalubong ko si Galaxy galing sa kusina. Nung una kala ko tumira ng dahon e, namumula ba naman ang mata at buong mukha. Nilampasan nga lang ako kala ko tuloy naka-high. Eh pagkalampas niya biglang suminghot si gago.

pfft! Ganun ba siya kaaffected na magkaholding hands sina Booey at Travis?

Pailing-iling nalang akong lumakad papuntang kusina para kumuha ng maiinom.

Habang umiinom ako, nagawi 'yong tingin ko sa may bintana ng kusino.

Langya! Kaya pala todo iyak 'yong gago kasi alam na niya siguro na wala na siyang pag-asa kay Booey na nakayakap kay Travis.

"Pinsan, anong oras 'yong gagawin niyong program mamaya sa Hospicio?" pagbasag ni ate Eyel sa katahimikan.

"9am." tipid na sagot ni Booey.

"Hanggang..?"

"Five"

"Ahh. Okay. Tignan namin kung makadaan kami ni Harleng mamaya. Hehe! So, nakaready na ba 'yong mga ibibigay niyo sa orphanage?"

unang tumingin si ate kay Booey na tumango lang.

"Opo." pagkatingin niya sa akin.

"Ikaw bro?" Tanong ni kuya Harley kay Galaxy na tumango lang din.

"O'sige, bilisan niyo na kumain para hindi kayo ma-late mamaya sa charity program niyo at babiyahe pa kayo."

"Babe, hatid mo nalang sina Travis at pinsan, may sasakyan naman sina Chino." baling ni ate Eyel kay kuya Harley.

"Sure babe." nakangiti niyang sabi.

B O O E Y ' S P O V

"Travis, dyan ka nalang sa passenger's seat dito ako sa likod. Inaantok pa ako e." pagdadahilan ko.

tumango lang siya bilang sagot.

Hanggang ngayon ang sakit-sakit parin ng dibdib ko.

Pumunta ako sa pinakalikod na bahagi ng sasakyan. Tatlong row kasi 'yong upuan nito. Una, sa harap, driver's at passenger's seat tapos may isa pang row sa gitna tapos dito sa likod. Last row.

Humiga ako agad at yumakap sa stuff toy ni ate na andito sa sasakyan. Tss. parang bata talaga, ang hilig sa stuffed toys.

Hinihintay nalang namin si kuya Harley.

Haaay. Hinigpitan ko nalang yakap ko dito sa teddy bear. Kahit papaano nababawasan 'yong lungkot ko.

Bumukas 'yong pinto ng kotse. Si kuya na siguro.

"Asan si Angelique?" tanong ni kuya kay Travis pagkasara niya ng pinto.

"Here." sabi ko

"Hindi ka daw ba muna magbibihis sabi ng ate mo?"

"Okay na'ko. Maliligo narin naman ako pagdating ko." Suot-suot ko pa kasi 'yong pantulog na pinahiram ni ate tsaka medyas pa ako.

"Okay. Let's go!" masayang sabi ni kuya. Pinaandar na niya sasakyan, kanina pa bukas makina nito. Binuksan ko para bumukas din aircon.

Habang nag-babyahe kami, paulit-ulit na nagrerewind sa utak ko 'yong nangyari kagabi. 'Yon confessions. 'Yong halik. 'Yong pagsampal ko sa kanya. Haaaaaaay!

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Where stories live. Discover now