Ending

8.6K 269 60
                                    

B O O E Y ' S P O V

Mag-isang linggo na akong hindi umuuwi sa bahay. Hanggang kailan ba nila balak mag stay dito sa Pilipinas? Nakakairita.

Napatingin ako sa labas ng bintana, umuulan. Ang tagal mag uwian, uwing-uwi na ako sa bahay nila ate Eyel dahil andun si Piso at ang kapatid ko.

"Pass all your papers!" anunsyo ng guro namin.

"Ma'am wait!!"

"Hala, 'di pa ako tapos!"

Protesta ng ibang kaklase ko.

"Finished or not, ipasa na."

"Kalurkey!"

Wala silang ibang nagawa kundi ipasa ang test paper.

"Babybabymyloveforeverlemniscate akin na 'yong sa'yo." Ayan nanaman siya sa hanggang Edsa niyang tawag sa'kin.

Pagkaabot ko ng papel ko, ngumuso siya na parang hahalikan ako, "mwa, labyu!"

Mga kabaklaan talaga nitong Abnoy na 'to. Pagkatalikod niya, tsaka ako natawa.

"Beh, gusto mo cookies?" Alok ni Alex sa cookies na nasa box na kakalabas lang niya nung pagkaalis ni ma'am.

Kumuha naman ako. Mukhang masarap e, sa tingin palang nagmumura na 'yong chocolate.

"Salamat." tsaka ako kumagat. Fck! Ang sarap nga! :( "penge pa isa." Sabi ko tsaka kumuha gamit isang kamay ko.

"Galaxy oh." Nilapit naman niya 'yong box kay Galaxy.

Napatingin sa'kin si Galaxy habang kinakain ko 'yong cookies, "bigay mo nalang kay babybabemyloveforeverlemniscate 'yong sa'kin. Mukhang iisa pa siya e." Natatawa niyang sagot kay Alex.

Sakto naman ubos ko na 'yong isang cookie, "kala mo tatanggihan ko 'yan ah!" Tsaka ako dumukot ng isa pang cookie.

"Beh, patay gutom lang peg? Hahaha! Buti nalang marami kaming binake ni mommy." Tsaka siya tumayo at inalok naman si Tyger, "baby, cookies oh, binake namin 'yan."

Kumuha naman si Tyger, "thank you."

"Alex, penge din ako!" Sabi ng ka-klase ko.

"Ako din!"

"Ako din!"

Sinimangutan niya sila at inilayo 'yong box na hawak niya, "ayoko nga." Nag aalangan niyang sabi.

Kasi kung bibigyan nya silang lahat, walang matitira sa kanya.

"Uy, dali na Alex. Mukhang masarap e. Ako nalang bigyan mo, wag na sila! Hehehe!" kumbinsi ni Camille.

Habang kinukulit nila si Alex na bigyan sila, tumayo si Abnoy at lumabas.

Saan pupunta 'yon?

Kumagat nalang ulit ako sa pangalawang cookie na hawak ko.

"Halaaaaa! Ubos na!" Nanlulumong sabi ni Alex pagkaupo niya.

"Sarap, Alex! Dala ka ulit bukas ah?" sabi ni Queenny.

"Ako din bigyan mo 'ko ulit" Yeyen

"Batuhin ko kaya kayo nitong box? Hindi niyo man lang ako tinirhan." Parang bata niyang maktol at nanlulumong nakatingin parin sa wala ng laman niyang box.

I extended my arm para ibigay 'yong third cookie, "ooh." I said.

Tinignan muna ako ng maigi ni Alex.

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Where stories live. Discover now