Chapter Fifty One

11.1K 396 69
                                    

B O O E Y ' S P O V

Nagda-drive ngayon si Galaxy pauwi sa amin. Ang kulit kasi e, sabi ng magtataxi nalang ako pauwi sa amin para makapasok siya sa school. Ayaw naman niya. Ako, gusto ko pumasok kaso ayaw niya. Magpahinga daw ako.


Hay. Ano naman gagawin ko sa bahay? Ang boring kaya doon.


Nakatingin lang ako sa labas ng bintana nitong kotse. Haaaaay.



"Bakit ka nagpagupit ng buhok?" si Abnoy na biglang nagsalita.


"Mainit e." tipid kong sagot.

"Ahh. Ang cute mo tuloy tignan." Nakangiti niyang sabi.


Kailangan niya bang pakabahin ako lagi!? Naiinis ako. Feeling ko ang abnormal ko pag ganito sitwasyon namin.


"Tuwing nag-uusap tayo ng ganito, lagi kang natatahimik."

"Hindi kasi ako sanay. Kinakabahan ako." Nakayuko kong sabi kasi ang init nanaman ng pisngi ko.


"Ako din naman. Ang rough naman kasi ng simula natin." Natatawa niyang sagot.


"Kasalanan mo e. Hindi ka marunong magsorry." tsaka ko siya inirapan.


"Natawa ako agad sa sapatos mo e, pero nagandahan na ako sa'yo agad unang tingin ko palang. Kaso, binanatan mo 'ko agad. Ayon wala na akong ibang alam gawin sa buhay kundi asarin ka." Natatawa siya habang nagkukwento.




"Tss. Ewan ko sa'yo!"


Hindi na ako kumibo kasi mamaya ano nanaman sabihin niya. Atakihin pa ako sa puso.



A L E X ' S P O V


Kinuha ko phone ko para i-dial number ni Booey. Kahapon ko pa kasi siya tinatawagan hindi naman sumasagot! Hindi ko tuloy alam anong nangyari sa kanya.

"Tygie, natawagan mo na ba si Galaxy? Mamaya ano na ginawa niya dun sa kaibigan ko!" Nag-aalala kong tanong kay Tyger na bitbit yong gamit ko.


Natawa lang siya at umiling. Nag-aalala na nga ako nakukuha niya pang tumawa!

Sinimangutan ko siya. "Tawa pa more! Kainis 'to!"

Isa pa 'tong babaeng 'to ayaw parin sumagot!

Dinial ko ulit.


"Walang gagawin si Galaxy na masama dun. Wag ka ng mag-alala. She's safe with Galaxy, babe." makahulugang sabi ni Tygie.


Safe daw e, pinapanood niya nga lang si Booey pag binubully siya e.



[Hello?]

Atlast! Sumagot din!

"Beh! Kahapon pa ako tawag ng tawag ng tawag ng tawag! Bakit ba ngayon ka lang sumagot!? Nasaan ka?! Kamusta ka na?!" Sunod-sunod kong tanong.


[Tss. Punta ka nalang dito sa bahay after ng klase.]

Tsaka niya binaba. Tsk!


"Tara kanila Booey babe." Naiinis kong yaya kay Tygie.


"Sige. Tawagan ko lang sina Chino."

Tinawagan niya nga si Chino at pinasama.



Hinintay namin sina Chino dito sa parking lot.



The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum