Chapter 12.2: An Oath to Protect

Start from the beginning
                                    

"We're replying using one of our native languages Zoiren and not asking for vinegar as what you think," sabay naming tugon sa kanya sa seryosong tono.

"Actually, sokka is a Japanese word meaning 'I see' in English term. Hindi iyon suka na literal," dagdag naman ni Andy na nagpipigil ng tawa.

"Mali lang siguro ang pagkakarinig mo Zoi," sabi naman ni Calyx at napatakip ng bibig.

"Ah... kaya pala. Naiintindihan ko na. Akala ko weeaboo 'tong mga kasama ko rito sa tabi at humihingi ng suka eh," natatawang sabi ni Zoiren.

Natawa kaming lahat sa kanyang mga sinabi habang palihim ko namang inilagay ang aking kamay sa kanyang likod. Halos mapunit naman ang bibig ni Ellah sa napakalakas niyang tumawa kasabay ng paghampas ng kanyang kamay sa mesa na dinaig pa ang judge sa korte.

Iba rin pala ang epekto ng cake na binigay niya sa amin ngayong araw na 'to.

"Bwahahahaha! Walang hiya ka Zoiren! May potensyal kang maging stand up comedian dahil sa kalutangang punch line na 'yan!" Natatawang saad pa rin ni Ellah at tila naluluha na ang mga mata. Huminga siya nang marahan upang humupa ang kanyang pagtawa.

Natigilan agad ako sa pagtawa at bumalik sa pagiging medyo seryoso.

"Sinabi mo pa Ellah," mahina kong saad at bahagyang ngumiti.

Walang anu-ano'y binatukan ko si Zoiren nang malakas dahilan upang muntikan nang masubsob ang mukha niya sa maliit na pirasong cake sa platito. Bigla namang nanlaki ang mga mata nila habang si Jairus naman ay patagong tumatawa sa tabi. Ang masasabi ko lang, mukhang magkakasundo silang dalawa ni Ranzou sa pagiging pilosopo ng mga 'to.

"Ang galing din ng timing mong magbiro Zoiren Pleños Alima," sarkastikong saad ko at napaigting ng labi.

"Pasensya na Zenrie, mali lang ang pagkakarinig ko sa inyo," iling naman ni Zoiren habang hinihimas ang kanyang batok.

"Baka (Stupid). Hindi na nga lampa, lutang pa," pang-aasar naman ni Jairus sa kanya nang mahina.

"Isa ka pa!" mariing saad ko.

I turned to him with my deadly glare. Gaya nga ni Zoiren ay binatukan ko rin si Jairus nang malakas at napailing. Hinimas din niya ang kanyang batok habang ako nama'y napakibit-balikat.

"What?" nagtatakang tanong niya.

"Baka nakakalimutan mo Jairus Kurosaka." Umirap ako sa kanya at tumingin na lang sa aking tapat. Hay naku! Kulang na lang magiging pilak 'tong buhok ko sa kanila.

Sa tuwing maiinis ako, hindi ko na lang namamalayang tinawag ko na ang isang tao sa kanyang buong pangalan. Ewan ko ba kung anong epekto ng tiramisu cake at dark chocolate sa'kin kaya ganito ang naging reaksyon ko. Hays! Pati na rin ang mga tao sa paligid ko'y nagagaya na ang mga sinasabi ko gaya na lang nina Ranzou at Althea na sa tuwing maiinis ay tatawagin ka sa buong pangalan.

"Ok awat na muna tayo sa comedy, may mga malahagang bagay pa tayong pagtutuonan ng pansin," sabi naman ni Andy. Inilapag niya ang kutsarita sa platito at inilagay ang kanyang mga kamay sa mesa habang magkahawak sa isa't isa.

"Tama si Andy," pagsang-ayon ko. Itinuon ko ulit ang aking atensyon sa kanila matapos kong punasan ng panyo ang aking bibig. "Napag-alaman na rin natin ngayon ang iba pang impormasyon tungkol sa nangyayaring pagbabago sa systems ng virtual world matapos ang hijacking incident. Sa oras na patutunugin niya ang sirena upang magsimula ang ERCO 673 class period, kailangan nating maging handa at lumaban. Huwag nating hahayaang mahulog tayo sa dalawang pagpipilian ni Avicta sa mangyayari kapag naubusan tayo ng buhay rito sa virtual world gaya ng mental unconsciousness o total amnesia, at ang pagkamatay sa tunay na mundo. Magpatuloy lang tayong mag-imbestiga at magkalap pa ng iba pang impormasyon tungkol sa asignaturang ito. Huwag natin kalimutang ibahagi ang mga nalalaman natin upang maging handa tayo sa susunod na hakbang at tulungan ang mga users na nakulong dito. Kaya naman... let's promise each other that we can survive and complete this class or mission together."

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now