Chapter 12.1: Beta Tester #1-A

Start from the beginning
                                        

"Sa dug out A ng university gymnasium Calyx," sagot ko sa kanya.

"Ok Zenrie. Hintayin niyo ako ng halos tatlumpung segundo."

Pinatay agad ni Calyx ang tawag sa screen at sigurado kaming nagmamadali na iyong pumunta sa teleporting station ng UR upang makaabot sa pemeryenda ni Ellah. Kakaiba rin talaga ang babaeng ito at nasa dugo na ang pagiging girl scout. Lagi kasi siyang handa at minsa'y may pasorpresa pang inihanda.

Gaya nga ng inaasahan, matapos ang tatlumpung segundo ay lumitaw ang isang imahe ng lalake sa tabi ni Ellah na nagliliwanag sa kulay dilaw at puti. Naglaho rin ito pagkatapos at tumambad na rin sa aming mga mata si Calyx.

"Nandito na ako mga kasama," nakangiting saad niya.

"Gaya nga ng inaasahan namin," matipid kong sabi.

Umupo agad siya sa tabi ni Ellah at binigyan ng pagmeryendang cake at kape. Napakalaki rin ng ngiti ni Calyx sa nakita niya't agad nagpasalamat sa kanya.

Ang bilis din niyang dumating ah. Mukhang kailangan ko na ring gumamit ng teleporting station sa oras na papasok ako upang hindi ako mahuli sa klase rito.

Humigop na muna ako ng konting kape sa baso at binuksan ang aking student's window. Gaya kanina'y nakatingin na naman ako sa blankong button at muling napapaisip. Hindi pa rin matatanggal sa utak ko ang mga paraan kung paano maibabalik sa dati ang log out button. Kaso, hindi puwede sa akin ang sobrang pag-iisip at baka bumalik pa ang migraine ko kahit nasa virtual world pa ako.

"Nga pala Zenrie..." Andy interrupts my minute of thinking, "...nasaan nga pala sila Ranzou?"

Inilapag ko muna ang baso sa tabi. "Nasa dorm silang tatlo ngayon Andy. Abala sina Emerson at Althea sa pag-aaral ng mga leksyong lalabas sa midterms ngayong Miyerkules, habang si Ranzou naman abala sa pagtulog ulit," sabi ko sa kanya.

Tumawa naman si Andy sa aking sagot. "Ang hilig talagang matulog ni Ranzou ayon sa mga sinasabi mo. Hindi man lang ba siya nakapagreview lalo na't nalalapit na ang midterm exams?"

"Meron naman, ang kaso wala pang limang minuto bibigay na 'yon at matutulog na lang lalo na't katatapos lang niyang kumain o nababagot sa kababasa ng mga leksyon namin." Mahina akong tumawa habang nakikpagkuwentuhan.

"Siguro may ibang taktika lang si Ranzou upang makapagreiew," dagdag naman ni Ellah at sumubo ng konting piraso ng strawberry cake.

"Ganoon na nga."

Sumunod namang magsalita si Calyx sa pangungumusta namin. Inilapag niya muna ang hawak niyang kutsarita matapos niyang sumubo ng konting piraso ng cake.

"Nga pala, kumusta kayo nang magpakita si Avicta kahapon?" tanong ni Calyx. "Sigurado akong maraming nababahala ngayon lalo na't tinanggal niya ang log out protocol sa systems at ikinulong ang lahat dito."

"Hindi kami makatulog ni Andy sa kaiisip tungkol sa talumpati ng misteryosong AI na 'yon. It leaves a great question mark in our minds about the AI's origin and the reason why she has to imprison all users in this alternative world," salaysay naman ni Ellah.

Dumugtong naman si Andy sa kanyang mga sinabi. "You're right Ellah," tugon niya, kasabay ng pagbato sa amin kina Zoiren at Jairus ng nag-aalalang tingin. "Sinubukan na rin naming i-contact si Prof. Leizuko at nag-iwan siya ng mensahe sa amin. Alam na rin niya ang mga nangyayari rito at hanggang ngayo'y inaalam pa rin ng Sirius Tech ang nangyayaring system hijacking kahapon."

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now