I turn my gaze to Zoiren and stare at him in a dull manner. "Zoiren naman."
"Pasensya na Zenrie," nanginginig na sabi ni Zoiren at tumawa.
Aaminin ko, minsan may pagka-lutang at pagkalampa itong si Zoiren pero matalino 'yan. Sa nakikita ko rin sa kanyang pag-uugali, nakakatakot ding magalit ang isang kagaya niya. Parang si Ranzou lang na pinapakalma ni Emerson kanina sa dorm. Nakita ko rin ang reaksyon niya habang tinutulungan naming sagipin si Kenny sa Shadow Filora.
"Dahil nandito lang din naman tayo, puwede na rin nating simulan ang pagkakamustahan natin," sabi ko sa kanila at ngumiti nang natural.
"O sige Zenrie," nakangiting sabi ni Andy. "I guess Ellah will go first. Kanina pa siyang nakangiti rito at nasasabik sa pagkamusta sa inyo, lalo ka na."
"Ako?" tanong ko sabay turo sa aking sarili.
"Oo naman Zenrie!" masiglang sabi ni Ellah. "Lalo na't hindi ko pa alam sa ngayon kung anong kasunod na mangyayari sa isinusulat mong nobela." Hindi pa rin niya maialis hanggang ngayon ang kanyang mga ngiti at tumili bigla.
Dinaig pa yata sa isang batang nakakain ng sandamakmak na tsokolate ang ka-hyperan ni Ellah ngayon ah.
"Naku! Abala kasi ako sa acads Ellah kaya hindi pa ako nakapagpost ng bagong kabanata sa aking nobela. I'll post it if I'm done with those stuffs."
I simply rub my pointing finger to my right cheek and giggled. Isa na rin sa mga dahilan ko ay ang biglaang pagsulpot ni Avicta at abala sa pag-iimbestiga namin ni Zoiren sa mga nangyayari.
"It's Ok Zenrie, makakapaghintay naman ako at mas importanteng atupagin mo muna ang acads," patangong sabi ni Ellah at ngumiti.
"Salamat Ellah."
Maya-maya pa'y binuksan niya ang kanyang student's window at may kinukuha sa kanyang item vault. Pagkatapos, bawat puwesto namin sa mesa ay tumambad ang tig-iisang platito ng iba't ibang klase ng cake na talaga namang mapapanganga ka na lang sa gulat. May kasama pa itong inumin sa tabi nito at nasorpresa nang mapabilang sa akin ang choco hazelnut coffee na aking paboritong kape sa tuwing pumupunta kami ni Tita Tory sa isang coffee shop.
Tama rin ba 'yong nakikita ko sa platito? Tiramisu cake at may kasama pang dark chocolate bar sa tabi?
Kahit saan talaga ako pumunta, lagi na lang akong dadatnan ng mga pagkain at sa mga oras na ito'y isa sa mga paborito kong panghimagas ang tumambad sa mesa ko! Masasabi kong wala muna akong panahon upang magdiyeta.
"Mukhang may pameryenda si mayora ngayon ah!" pabirong sabi ni Calyx.
Tumawa naman si Ellah sa mga sinabi niya. "Pumunta ka na kasi rito sa SAU Calyx! May binili rin naman akong isa pa rito para sa iyo. Mamaya na 'yang pagsasaayos mo sa dorm at samahan mo na kami rito," pag-aanyaya naman ni Ellah.
"Oo nga Calyx," dagdag ni Zoiren. "Bilisan mo na r'yan at dumaan na sa portal niyo."
Hindi na rin nagdadalawang-isip si Calyx at tumango siya sa screen bilang tugon. Gaya nga ng mga sinabi niya kanina, ayaw din niyang palagpasin ang munting reunion na ito.
Pinagtataka ko lang, bakit pa napasama ang isang ligaw na ahas dito sa grupo? Beta tester din ba siya? O talagang joiners lang ang mokong na ito at ginamit ang dahilan upang makausap ako?
Kung 'yon man, ang galing din ng taktika niyang manupulahin ang kambal. Screw this scumbag snake!
"Kung sa bagay," ngiti niyang saad. "Hintayin niyo ako r'yan saglit at pupunta na ako. Saan ba kayo banda sa SAU ngayon?"
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 12.1: Beta Tester #1-A
Start from the beginning
