Sumakto namang umilaw ang bilog na icon sa student's window ni Ellah na nagsasabing may paparating na tawag. Pinindot niya ito at tumambad naman ang isang window sa aming harapan at lumabas sa screen ang video call ni Calyx.
Kasalukuyan namang nag-aayos si Calyx sa kanyang kuwarto sa dorm ng University of Realonda. Kitang-kita sa kanyang likuran ang tatlong kahong hindi pa nabubuksan sa ngayon at inaayos niya ang kanyang magulong buhok bago humarap sa amin.
"Kumusta kayo?" nakangiting tanong ni Calyx. "Pasensya na kung medyo natagalan ako sa pagtawag. Abala kasi ako sa pagsasaayos ng silid ko sa dorm namin."
"Ayos lang Calyx. Mabuti na lang at sumali ka sa munting reunion natin," masiglang sabi ni Ellah.
''Oo nga eh," sabi niya. "Alam kong pag-uusapan niyo rin ang tungkol sa nangyari kahapon at sayang naman kung palalampasin ko ito. Sakto naman at natapos na ang ginagawa naming proyekto at sa dorm na lang ang aasikasuhin ko."
Itinabi na muna ni Calyx ang kahong nasa harapan niya at inilapag sa sahig. Gamit ang dalawang kamay, ipinuwesto ni Ellah ang kanyang window sa tabi ni Andy. Kahit konti lang kami, ayos na rin ito.
Ewan ko ba kung sumagot na sina Rupert at Lezmond para rito. Sa tingin ko'y nagdiriwang pa ang mga 'yon dahil nagiging mala-death game na ang pasukan namin. Hay! Those kidney-bean brained humans.
"Nasubukan mo na bang tawagan sila Rupert, Calyx?" Tanong ko sa kanya.
Calyx sighs in distress. "Sa totoo lang, ilang beses ko na silang tinatawagan pero ayaw pa ring sumagot. May pagkakataon ding nagpadala si Rupert ng mensahe sa akin at sinabing busy siya para sa preperasyon ng laro. Hindi ko akalaing nasisiyahan pa ang dalawang 'yon sa mala-bangungot na anunsyo mula sa Avicta na 'yon," paliwanag niya.
"Gaya nga ng inaasahan," Jairus interrupted. "If they are not interested, hayaan niyo na lang sila. They're going to regret it one day."
"Ang sabihin mo'y guilty pa rin sila sa kalokohang ginawa nila kay Ellah sa beta testing," dagdag naman ni Zoiren. "Buti na lang sinagip siya ni Zenrie noong mahulog siya sa railings."
Pasimple kong siniko sa dibdib si Zoiren at napailing ito sa sakit. Maliban sa pagpapakita sa akin ni Jairus, mukhang dadagdag pa siya sa mga taong kinaiinisan ko dahil sa pagiging madaldal.
Lumingon naman si Jairus sa akin sabay bato ng nagtatanong na mga tingin.
"Talaga? Ginawa mo talaga ang bagay na 'yon?" tanong ni Jairus.
Bago pa man ako nakasagot ay inunahan na agad ako ni Ellah para rito. Sa mga minutong ito'y mas tumaas pa ang level ng kanyang pagiging masigla dahil binanggit ni Zoiren ang tungkol dito.
"Yup Jairus," patangong sagot nito. "Hindi ka maniniwala sa taglay na bilis at lakas ni Zenrie sa mga oras na 'yon at talagang nakakahanga!"
Napasandal naman si Jairus sa upuan at muli na naman akong nginingitian. "You're really amazing. Iyan ang Zenrie-chan na kilala kong handang tumulong sa iba."
Neknek mo Jairus! Hindi mo na ako madadala sa mga salitang 'yan. Tandaan mong hindi pa nareresolba ang pag-aaway natin.
Umirap ako sa kanya at nagkibit-balikat. Mahina lang siyang tumatawa na mas nagpapakulo ng aking dugo sa ugat. Sa tuwing may magkukuwento ng ganito sa grupo, talagang nahihiya akong marinig 'yon; mas malala pa kapag nakasama mo na naman ang isang ligaw na basag-tiwala rito.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 12.1: Beta Tester #1-A
Start from the beginning
