"At saka maaliwalas pa," dagdag naman ni Andy. "This is the reason why Prof. Leizuko chose this university for the center of beta testing last two weeks. You're really lucky lalo na't marami nang pinagdaraos na concerts at iilang malalaking events." Ngumiti si Andy sa amin ni Zoiren at umupo sa tabi ni Ellah.
"Oo nga eh," sabi ko. "Iyan din ang mga nababasa kong feedbacks sa website ng SAU at talagang nakakahanga talaga. Noong nasa 12th Grade ako ay dumalo rin ako sa isang sci-tech event at concert ng paborito kong male singer dito."
"Talaga Zenrie?!" Ellah slaps the table as she draws her body closer. Kumikislap na naman ang kanyang mga mata at kumukurapkurap pa ito. "Sino namang male singer ang tinutukoy mo?"
"Si Taka Shizaku. Iyong Japanese singer na kumanta sa OST ng pelikulang Winter Flower at naging bida rin doon," nakangiti kong sabi.
Tumili si Ellah at parang kinukuryente ng isang electric eel at napatakip na halos sina Zoiren at Jairus ng tainga dahil sa matinis at basag-pinggang tili niya.
"Oh my gosh Zenrie! Siya ang isa sa mga paborito kong singer at actor! Iyong boses niyang breezy, cool na pananamit, pati 'yong mapagmalasakit at masayahin niyang ugali? Mamsh! Ang astig niya! Minsan nga malilito ka kung Koreano ba siya o Hapon!" patiling sabi ni Ellah at tumatalon pa sa kanyang puwesto.
"Oo nga eh," mahinang sabi ko at marahang tumatawa.
Hindi lang sa tagasubaybay siya sa mga nobela ko, fan girl din pala siya sa naturang mang-aawit at aktor. This is really a coincidence. Nakakatuwa talaga ang reaksyon ni Ellah.
"Cool!" Sambit naman ni Andy. "Sana nga ay magkaroon din ng ganoong event dito sa susunod na academic year."
"Kung hindi nga lang basta patunugin ni Avicta ang sirena at simulan ang ating klase sa kanya," singit naman ni Zoiren, kasabay ng mahinang tawa.
Natawa kaming tatlo sa kanyang binitawang biro at pinalo pa ni Ellah ng kanyang kamay sa mesa. Tuluyan na ring naibsan ang inis ko dahil sa munting biro niya.
"Sira ka talaga Zoiren," natatawang saad ni Ellah. Halos mapunit na ang kanyang bibig sa napakalakas na tawa niya. "Don't she dare to do that during the events in our schools or else it's going to be a bad day for us."
"It's really a bad day," matipid na sabi ni Jairus at napakibit-balikat.
Ba't parang gigil na akong gupitin ang bangs niya sa mga oras na 'to?
Umupo na ako sa kanang bahagi ng mesa at sumunod naman sina Jairus at Zoiren. Nakapuwesto si Jairus sa kaliwang upuan habang si Zoiren nama'y nakaupo sa kanan. Hindi ko alam kung anong trip ng dalawang 'to kaya pinaggitnaan nila ako. Are you acting like body guards?
"Zenrie?" Tinapik niya ang aking kaliwang balikat at itinuon ang atensyon sa kanya. Lumapit siya ng konti at muling nagsalita. "May itatanong lang sana ako sayo."
"Ano 'yon Zoiren?"
Palihim siyang tumingin kay Jairus at muling ibinalik ang atensyon sa akin. "Bakit may bakas siya ng sapatos sa kaliwang pisngi niya?" mausisang tanong ko.
I pause for 3 seconds before I respond his question. "Saka ko na lang ikukuwento sayo Zoiren kapag nasa dorm tayo. Alam mo namang katabi ko rin dito si Jairus."
"Ok kopya," patango niyang saad.
Kung sasabihin ko ang dahilan sa kanya kung bakit may pulang marka si Jairus sa pisngi, sigurado na naman akong mapapabalikwas siya sa upuan gaya ng ginawa ni Ranzou kanina sa dorm. Kasabay naman n'on ang pagpapakawala niya ng mga savage niyang linya na talagang kailangan mong hanapin ang pamalo upang mapatahimik siya.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 12.1: Beta Tester #1-A
Start from the beginning
