Chapter 12.1: Beta Tester #1-A

Start from the beginning
                                        

Tapos malalaman ko na lang na siya pala ang tinutukoy ni Ellah na kaibigan? What the heck! Mas malala pa pala ito sa bangungot namin kahapon!

Isa pa, hindi na niya kailangang ipakilala si Jairus lalo na't alam ko rin ang ugali niyang basag-tiwala.

"Mukhang nagkakamabutihan kayo ni Jairus, Zenrie," sabi naman ni Andy. "It looks like you already know each other. Nakaakbay pa kasi siya sayo at nakangiti pa."

"Tama ka Andy," sabi naman ni Jairus. "We know each other for almost two years and we became best buddies. Right Zenrie-chan?" Lumingon ulit siya sa akin sabay kindat at malaanghel na ngiti.

Napadiin ako sa labi at sarkastikong tumawa sa kanya. Ibang klase rin itong si Jairus eh! A quick change of mood in just a split of a second? Puwede na siyang manalo sa Emmy's Awards bilang best actor at best pretender. Tinapang giliw!

Tinitigan ko siya sa mata na parang maamong tupa at muling ngumiti.

"Yes Jairus, sobrang close talaga natin sa simula pa lang," sarkastikong tugon ko. Agad kong inapakan ang kanyang kaliwang paa at napailing ito sa sakit sabay kalas sa pagkaakbay.

Anong akala niya sa akin best friend? Jowa? Ang kapal din ng mukha ng mokong na 'tong halos ipinahamak ang virtual identity ko sa laro. Ilang bugs kaya ang kumukontrol sa utak niya? He's making my blood to boil rapidly especially when he's trying to get close to me, or even trying to touch my hand.

May mga galawan pa siyang nalalaman na talagang nakakairita. Baka nakakalimutan niyang may malaking kasalanan siya sa'kin at wala kaming label.

"May talento ka rin palang makipagplastikan Zenrie ah," pabulong na sabi ni Zoiren sa kaliwang tainga.

"Pinipigilan ko lang ang sarili kong kunin ang espada sa item vault, Zoiren. That's why I have to go with the flow and act like everything's alright," pabulong kong saad sa kanya. Natawa na lang kaming dalawa sa aming mga sinabi at napahimas sa batok.

Pumalakpak naman ng isang beses si Ellah upang putulin ang munting asaran namin dito. "Ayos! Tara na't pumunta tayo sa lugar na puwede tumambay. May alam ba kayo kung saan dito sa SAU Zenrie?"

"Sa dug out ng university gymnasium Ellah. Nagpadala na rin kasi ako ng mensahe sa tagapamahala roon kanina at mabuti nama'y pumayag siya. Wala rin kasi kaming CWTS meeting ngayon dahil sa nangyari kaya puwede tayo roon," sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Kung ganoon bilisan na nating pumunta roon at baka may makapansin pa," sabi naman ni Andy.

Tumango ako sa kanya at nagsimula nang ihakbang ang aming mga paa upang pumunta sa dug out ng university gymnasium. Pumasok kami sa dug out A at sumalubong sa amin ang nakakanginig na hangin mula sa aircon. Umakyat kami sa pangalawang palapag ng dug out na kung saan nakahilera ang dalawang malalaking mesa at mga nakaliherang upuan na parang naghihintay sa mga gagamit dito.

Kagaya pa rin ng dati ang lugar na ito sa tunay na mundo lalo na ang mga asul na kurtina sa bawat bintana. Na-mi-miss ko tuloy ang tumambay dito tuwing Sabado noon at matulog hanggang sa magsisimula na naman ang panibagong klase sa hapon para sa ibang block. Everything seems nostalgic to my eyes.

Binuksan ko na rin ang ilaw at pinahinaan ang bugso ng aircon sa paligid at baka mas lalo pa kaming mangatog at kunin ang makapal na tela sa mesa upang magsilbing kumot.

"Ang ganda naman dito Zenrie," namamangang sabi ni Ellah habang sinusuyod ng kanyang mga mata ang paligid. "According to the university article, Strelia Aurelis University has the best facilities especially in the gymnasium. Para itong Araneta Jr kung tutuosin sa laki lalo na sa mala-locker na dug out."

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now