"Uh Zenrie, sino ba 'tong mokong na'to?" Nagtanong naman si Zoiren sa akin sa tonong sinlamig ng yelo. He's just staring at him with his dull eyes, crossed his arms, and sighed exasperatedly.
"Naligaw lang 'yan dito sa SAU Zoiren at napasukan ng bug ang utak niya, kaya ganyan siyang magsalita sa isang Aurelian," sabi ko sa kanya, kasabay ng pagharang ko sa aking kaliwang braso at baka sugurin pa niya si Jairus. Zoiren might never give a damn to a person like him, but I don't know what he looks like when he gets mad.
Ilang saglit lang ay namataan na namin sina Ellah at Andy habang paakyat sila rito sa open bench. Kumakaway siya kasama ang matamis na ngiti sa kanyang labi at kitang-kita talaga ang pagiging masigla niya sa araw na ito. She's getting bubbly and energetic after the minor incident during the beta test 2 weeks ago.
"Hi Zenrie!" patiling bati niya sa akin at yumakap. Niyakap ko rin siya pabalik at kaagad naman kaming kumalas.
"Hello Ellah!" masiglang bati ko. "Kumusta na kayo?"
"We're really fine, at saka may konting kaba rin dahil sa mga nangyari kahapon," tugon niya sa akin.
"Pareho pala tayo ng nararamdaman ngayon," sabi ko.
Nakipagkamay naman si Andy kay Zoiren at nag-apir pa. "What's up Zoiren? Kumusta kayo rito sa SAU?" nasisiyahang tanong niya.
Hindi talaga halata sa kanila ang kaba at pag-aalala matapos maganap ang nakakatakot na bangungot kahapon. Tanging ngiti lang ang kanilang sandata upang matakpan ang tunay na nararamdaman nila mula sa paglitaw ni AI 7663 Avicta. Hanga rin ako sa katapangang taglay nila.
"Gaya pa rin ng dati Andy, ayos na ayos pa rin simula noong nagpakita si Avicta kahapon sa open field," tugon naman ni Zoiren sa kanya.
"Mukhang marami tayong baong kuwento para pag-usapan natin mamaya," pasingit kong sabi sa kanila.
Lumapit agad si Jairus sa kinatatayuan ko saka tumabi sa'kin sa kanan. Lumingon agad siya sa akin kasama ang pagsalubong ng aming mga tinging mas nagpapausok sa aking mga tainga.
"Ganoon na nga, Zenrie-chan. Kung hindi mo man lang naitatanong, ako ang sinasabing kaibigan ni Ellah na pupunta rito upang pag-usapan din ang naganap na system hijacking kahapon sa pangunguna ni AI 7663 Avicta," pagmamalaking sabi ni Jairus at binato ako ng kanyang iconic smirk.
Hold up... tama ba ang narinig ko? Siya ang sinasabing kaibigan ni Ellah na dapat kong hintayin sa open bench? Heck no.
Natigilan ako sa kanyang mga sinabi niya at hindi ko namamalayang palihim na pala akong inaakbayan. Napaigting ako ng panga at muling nagsalunbong ang aking mga kilay sa kanyang ginagawa.
"You're not joking me at this moment, right?" mariing tanong ko sa kanya.
"I'm telling the truth Zenrie-chan," sabi niya't lumingon agad kay Ellah kasama ng maamong ngiti. "Hindi ba Ellah?"
"Oo Jairus, tama ka." Masiglang sagot ni Ellah sa kanyang katanungan saka lumingon sa akin. "Zenrie, siya nga pala si Jairus Kurosaka. I guess he already introduced himself to you earlier."
"Nani (What)?!" Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng paglaglag ng aking panga nang malaman kong siya pala ang sinasabing kaibigan ni Ellah.
Noong una talaga'y iniisip kong nandito siya sa SAU upang makipag-usap sa akin tungkol sa nangyaring kahibangan limang buwan ang nakakaraan at basagin ang kapayapaan sa aking isipan. Sinusubukan ko pang kalimutan ang mga kalokohan niya ngayon. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari'y nagpakita siya sa akin dahilan upang mas mahihirapan akong makalimot at lalo pang nabubuwisit.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 12.1: Beta Tester #1-A
Start from the beginning
