Chapter 12.1: Beta Tester #1-A

Start from the beginning
                                        

Kung ano man ang mga sinabi niya noon, sapat na 'yon sa akin. Magmumukha lang siyang sirang plaka sa kanyang mga bibitiwang salaysay.

"Jairus..." mahinang usal ko, "...tanging sinasabi mo lang sa'kin ay ginagawa mo lang 'yon upang protektahan ako. Pagkatapos, wala kang maisip na dahilan kung bakit mo ako pinoprotektahan sa pamamagitan ng pagkalat mo sa kanila ng aking pangalawang game pseudonym. Napatikom ka ng bibig nang tinanong kita tungkol doon. Kung bumalik ka rito para sa parehong sadya, huwag mo nang ituloy at nagbibigay lang 'yon sa'kin ng sakit sa tainga. Just give me some time to think before I release my decision," malamig kong sabi, kasabay sa pag-iwas ng tingin.

Tumalikod na ako sa kanya ngunit bigla niyang hinablot ang aking kanang braso. Mas nararamdaman ko pa ang unti-unting paglagablab ng apoy sa aking puso nang maramdaman ko ulit ang paghawak niya. Gusto ko nang kunin ang espada ko sa aking student's window sa pagkakataong ito ngunit may pumipigil sa akin na isang bagay na hindi ko alam.

"I respect your decision, but please give me a chance to explain everything---"

"Saka na kapag handa na ako." Pinutol ko ang kanyang mga salita upang tumikom ang kanyang bibig. Nananatili pa rin akong nakayuko at lihim na tumutulo ang aking luha sa kaliwang mata. Pasimpleng pinunasan ko ang aking luha at muling ngumiti na parang walang nangyari.

Ito lang ang tanging maskara ko upang ipakita sa ibang tao na ayos lang ako.

May mga tao talagang ubod ng kulit kahit sinabi ko nang kailangan ko ng panahon upang makapag-isip na muna. Matigas din talaga ang ulo ng mokong na ito kahit papano.

Maya-maya pa'y namataan ko na si Zoiren mula sa may hagdanan habang hawak niya ang librong hiniram niya kahapon para sa aming munting imbestigasyon tungkol sa mga nagaganap ngayon sa virtual world.

"Nandito na ako Zenrie!" Masiglang bungad sa akin ni Zoiren na may halong ngiti. Kumakaway pa siya sa akin at sa hindi inaasahang pangyayari'y naapakan niya ang swelas ng kanyang sapatos saka nadapa.

Napasampal ako sa aking noo at agad na lumapit sa kanya. Hindi man lang niya napansin ang swelas ng kanyang sapatos habang patakbo siya rito? Siguro nakalimutan niya dahil sa nakuha na niya ang libro.

"Ayos ka lang Zoiren?" nag-aalalang tanong ko, kasabay ng pag-abot ko ng aking kamay upang tulungan siyang makatayo.

"Oo Zenrie," sabi niya na parang walang nangyari. Bumangon siya't itinali ang swelas ng kanyang sapatos saka tumayo upang ipagpag ang kanyang pantalon sa pangalawang pagkakataon. "Salamat sa tulong."

"Mag-iingat ka kasi sa susunod," sabi ko sa kanya. "Iyan na ba ang librong hiniram mo kahapon bago ang force teleportation assembly?"

"Oo," patango niyang saad. Iniabot niya sa akin ang libro at agad kong ipinasok sa aking item vault kasama ang mechanical pen. "Salamat sa paghiram mo roon sa library."

"No problem," nakangiting saad niya.

Nakarinig na lang ako ng isang mahinang bungisngis sa aking likuran at agad akong napalingon. I dart my deadly glare to him and raise my right eyebrow. May gana pa siyang tumawa habang nag-uusap kami ni Zoiren. Kung ang pinagtatawanan niya ay ang pagkadapa niya, paano na lang kaya kung itulak ko siya rito sa open bench?

"Is there any problem Jairus?" tanong ko sa mababang tono.

Pumukaw agad iyon sa kanyang atensyon at tumayo nang maayos. Ipinasok niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang bulsa at bahagyang napayuko. "Gomen ne (I'm sorry), Zenrie-chan. Medyo natawa lang ako sa kalampahan ng kasama mo."

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now