Tumayo siya at pinagpag ang kanyang kasuotan. Naalarma naman ang aking mga tainga nang marinig ko ang kanyang mga sinabi. Binanggit niyang may pain absorber protocol ang systems ng virtual world habang hinihimas niya ang natamong pinsala. Naalala ko bigla ang natamong daplis sa aking kanang braso nang makipaglaban ako sa mga halimaw kahapon sa Shadow Filora. Kaya rin pala hindi ko napansin ang sugat na 'yon at wala akong nararamdaman.
Sa totoo lang, mapapasabi na lang ako ng sana all dahil may pain absorber ang virtual world kahit mahati pa ang katawan mo, pero sa usaping damdamin at pagsira sa tiwala, walang nakalagay na protocol para rito. Tatagos pa rin ang bawat salitang binitawan niya sa puso na parang isang light saber na punutol ang metal. Mas masakit pa rin ang mga salita kesa sa masaksak ng kahit na anong patalim.
Tumayo ako nang maayos habang hinihila ko ang magkabilang manggas ng aking damit. Nakatinigin pa rin ako sa kanya at kahit isang bahid ng emosyon ay walang dumaloy sa aking katawan. I was like a zombie watching a victim to suffer.
"Why did you kick me on the face Zenrie-chan?" umiiling na tanong ni Jairus.
Nakangisi naman ako sa kanya at nakakibit-balikat. "Ipinangako ko lang naman sa sarili kong sa oras na makikita kita ulit matapos ang limang buwan, sisipain talaga kita nang literal. And that kick? Para iyon sa kasalanang ginawa mo sa'kin."
Natigilan pa rin si Jairus at nanatili sa kanyang posisyon saglit. Nagdadalawang-isip siya sa kung ano ang susunod niyang sasabihin o gagawin nang marinig niya ang aking mga salita. Napa-buntong-hininga na lang siya't napasingkit ang kanyang mga mata. Kahit chinito siya, hindi na ako madadala sa mga karismang taglay niya.
Nakakaasar na 'to!
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago," nakangiting sabi niya. "Matapang ka pa rin at handang lumaban, kaso nga lang ang kaibahan ay nagiging masungit ka na. Before, we're happy and excited to see each other through a video call in the game's private chatbox and tell stories about the game. Pero ngayon, parang gusto mo na akong pugutan ng ulo at mas nag-aapoy pa ang mga mata mo. Is that how you welcome a guest?"
"Sino bang nagsabi sayong bibisitahin mo ako rito sa SAU Jairus kung bubuwisitin mo lang naman ako rito? Don't tell me you're going to explain about what happened before. I guess you're celebrating along with the guild of snakes after you told them my real identity," sarkastikong saad ko sa kanya at ibinalik ang mariing tingin.
Baka gusto niyang maglagay pa ako ng red carpet sa Strelia Aurelis upang salubungin ang kanyang pagdating. Feeling celebrity rin talaga ang buwisit na 'to.
Jairus scoffs, staring with his dull eyes again to me. Napaigting na naman ang kanyang labi. Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa bewang at muling lumapit sa akin.
"Look. I didn't told them your real name before Zenrie-chan. 'Yong pangalawang pseudonym mo lang naman ang sinabi ko sa kanila at malayo pa rin 'yon sa tunay mong pangalan," paliwanag ni Jairus.
"Oo pangalawang pseudonym ko... ang pseudonym kong laging iniingatan kaya mas ginagamit ko ang palayaw na Black Navillerian Angelus kesa roon. Even if it's my second pseudonym, you still put my data privacy into menace. Bahagi iyon ng aking virtual identity at pinagkatiwalaan kitang huwag ipagsasabi iyon sa iba!" Mariing saad ko sa kanya at napakuyom ng mga kamao.
"Pero ginawa ko lang 'yon para protektahan ka mula sa guild, hindi mo pa rin ba naiintindihan ang mga sinasabi ko?" Jairus started to plead me to understand his past explanation as he lifts his right hand to the side.
I lower my head as I gritt my teeth. Pilit kong pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang lumabas sa aking mga mata. Uulit-ulitin na naman niya ang mga salitang sinabi niya sa akin noon na mas nagpapalito sa aking damdamin at isip.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 12.1: Beta Tester #1-A
Start from the beginning
