Hindi lang 'yan, naaalala ko pa rin ang mga sinabi niya sa akin matapos ang huling pagsabak sa beta testing.
"'Yan din ang aking napansin sa mga nakaraang beta test. But just disregard it as for now. I still don't know who's responsible for putting this on the student's window. Pero kapag may natuklasan ka tungkol dito ay sabihan mo lang ako. I know that you have an ability to investigate and unlock mysteries of a particular whereabouts."
"Pinagtataka ko rin kung paano tumaas ang mga antas ng lakas at bilis na taglay mo at sa tingin ko ay may kinalaman ito sa iyong virtual self. But I guess it's just normal for you and for the other beta testers. Isipin mo na lang na nasa isang mala-science fantasy fiction theme ang klase niyo doon sa virtual world. But when you notice something weird, I really need your help to unlock those mysteries."
Hanggang ngayon ay ipinagtataka ko pa rin kung bakit sa akin humihingi si Prof. Leizuko ng tulong para sa konting kababalaghang ito o misteryo. Ang pinagtataka ko lang ay sino ba ang responsable sa pangyayaring iyon at paano lumitaw si Avicta sa virtual world.
Imbes na para ito sa aming alternatibong edukasyon, nauwi pa sa bangungot.
Minsan talaga gusto ko nang gamitin ang deconstruction approach para sa misteryong ito at sa mga nangyayari upang malaman ko ang sikreto sa likod ng mga ito. Popular man ito sa terminong literatura, paano naman ngayong nababalot ng mga kakaibang pangyayaring dinaig pa ang minamaligno?
Pero nakakapagtataka, paano naman masasabi ni Jairus ang mga bagay na ito? May koneksyon din ba siya kay Prof. Leizuko na hindi namin alam? Para kasing marami siyang alam tungkol sa systems nang masambit niya ang salitang pain absorber nang sipain ko siya sa open bench hallway.
"Pero teka lang, bakit ngayon mo lang nasabi sa amin ang lahat ng ito? Ba't hindi mo sinabi sa akin ang sadya mo kanina sa open bench?" nakakunot-noo kong tanong sa kanya.
Hinimas naman ni Jairus ang kanyang kaliwang pisngi na tinamaan ng malakas kong sipa kanina dahil sa inis.
"Remember that you halted me to speak matapos tayong magkamustahan," ibinaba ni Jairus ang kanyang baso at napa-buntong-hininga na naman. "Hindi ko rin alam kung bakit sa muling pagkikita natin ay mas lalo pang lumulukso sa dugo mo ang pagiging amazona o prinsesa ng isang yakuza clan."
"You already know the reason Jairus," I hissed. "Ang tanging katangungan ko sayo ngayon, paano mo nalaman ang tungkol sa game stats, skills, at ang biglaang pagpalit nito sa HP at MP bars?"
My narrowed eyes stare to Jairus as I tap my index finger on the table. Hinihintay ko pa ring lumabas sa kanyang bibig ang salitang magbibigay ng kasagutan sa mga katanungan ko. Ang tanging alam ko lang sa ngayon ay pumunta siya rito upang mag-usap kami nang masinsinan tungkol sa mabigat na kasalanan niya noon sa laro na halos nagpahamak sa aking virtual identity at kumampi sa guild ng mga ahas. Ngunit, hindi ko pala alam na may isa pa pala siyang sadya kaya binuksan niya ang usapan tungkol sa system hijacking sa virtual world.
Hindi naman siguro siya nakikipaglaro ng mahuli taya sa sitwasyong ito.
Jairus cleared his throat, drew a signature smirk on his face and lowered his head. Unti-unti ring napalakas ang pagtapik ko sa aking daliri sa mesa dahilan upang lumikha pa ito ng mas malakas na ingay.
Mukhang sasabihin na niya sa amin ngayon ang dahilan niya sa bagay na ito.
"Ang totoo niyan..." lumingon nang marahan si Jairus sa akin at inilapat ang kanyang kanang kamay sa kanyang dibdib. "... ang dahilan kung bakit ko alam ito ay isa rin ako sa mga nakasaksi sa mga bagay na ito sa simula pa lang."
Napatayo naman si Zoiren sa kanyang kinauupuan at lumingon sa kanya. "Nakasaksi sa simula pa lang? Eh hindi ka naman beta tester gaya namin. Paano mo naman nasabi 'yan aber?" nakakunot-noong tanong niya kay Jairus.
"D'yan kayo nagkakamali Zoiren."
"Is this one of your tricks Jairus?" mariing tanong ko.
I admit, I'm really desperate to hear his answers before I slash him through pieces. Hindi pa siya nakakabawi sa ginawa niya sa laro at ngayon may dumagdag pa.
"Wait everyone, just calm down," pagpapahupa naman ni Calyx sa tension habang itinaas niya nang bahagya ang kanyang mga kamay. "Hayaan na muna nating magsalita si Jairus tungkol dito."
"Thanks Calyx," sabi niya at muling ibinaling ang kanyang atensyon sa akin. "What's the reason why I'm saying this to you? Dahil... ako ang naging unang beta tester sa naturang proyekto, Zenrie-chan. I'm Beta Tester #1-A."
Anak ng tinapang giliw... Seryoso ba siya sa mga sinasabi niya?!
========
Author's note:
Jairus revealed that he's the first beta tester before the final phase. Thus, it leaves a big question mark to Zenrie's mind and thinks that it's just a prank.
Ito na rin ba ang dahilan upang unti-unting mabubuksan ang kanilang koneksyon sa isa't isa?
Abangan sa ikalawang bahagi ng kabanata 12...
Happy reading and stay safe always! Lovelots!
~SymphoZenie
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 12.1: Beta Tester #1-A
Start from the beginning
