Chapter 12.1: Beta Tester #1-A

Start from the beginning
                                        

"Kung iniisip mong magwawala si Zenrie-chan sa open field, baka mahihirapan kang pakalmahin siya Zoiren. She may be quiet and cheerful sometimes, but never ever try to make her so angry if you want to spare your life. Mas malala pa sa isang level 100 na boss ang galit niya sa totoo lang," dagdag naman ni Jairus, dahilan upang lumipat ang mga tingin ko sa kanya.

Wew! May gana ka pang mag-compliment sa'kin para segway loko ka.

Ewan ko sa dalawang 'to, pero pinagtutulungan ba nila ako? Iba rin talagang may mga matatabil ang dila ano? Minsan gusto kong kumuha ng duct tape para busalan sila pareho.

Sa pagkagat ko pa lang ng konting piraso, bigla na lang umiling sina Ellah, Andy at Calyx sa kanilang mga narinig na kuwento. Halos mapabalikwas na rin si Ellah sa kanyang upuan habang pakurap-kurap ang kanyang nanlalaking mga mata.

Kamuntikan ko na ring mabulunan kaya buti na lang naagapan kaagad. Ano ba naman ang mga 'to? Aatakihin pa ako sa puso dahil sa mge reaksyon nila eh!

"ANOOOO?! SI ZENRIE NAG-WALK OUT AT NAKAKATAKOT MAGALIT? ANONG IBIG SABIHIN N'ON?!" The three exclaimed in chorus.

Tumango naman silang dalawa sa kanila. "Indeed, she is."

Napatikom sila agad ng bibig nang marinig nila ang pagpapatunog ng aking mga daliri sa magkabilang kamay pagkatapos kong ilapag ang kutsarita sa platito at ubusin ang natitirang tiramisu cake at dark chocolate bar. Minsan ko na ring ginawa ito sa tuwing maiinis na ako. Inaayos agad nilang dalawa ang kanilang upo at nagpatuloy sa pag-ubos ng kanilang mga cake.

"Sa totoo lang, kailangan ko talagang lumayo sa matataong lugar at pumunta sa mapayapang lugar na pinapaligiran ng mga bulaklak upang kumalma ako. Mahirap kasi kapag hindi mo makokontrol ang inis lalong-lalo na kung umabot na iyon sa galit. I still can't believe that an AI planted a corrupted sytem to the virtual world and convert it into one of our subjects," paliwanag ko sa kanila at uminom ng kape.

"Talagang nakakainis ang ginawa niya Zenrie," sabi naman ni Zoiren.

"She's the most horrible AI we ever encountered yesterday. Kung makaasta rin siya'y parang headmaster sa lahat ng paaralan," dagdag namang sabi ni Jairus.

"Precisely!" Calyx, Andy and Ellah said in chorus again.

"But there's one more thing you need to know about the hijacking incident." Inilapag ni Jairus ang kanyang kutsarita at huminga nang malalim. He clears his throat first and wanders his eyes to each and every one of us.

Kakaiba rin ang trip niya ngayon.

Agad kong binato sa kanya ang mapagtanong na mga tingin. "Bakit? Ano 'yon Jairus?"

"Since some of the systems are controlled by Avicta including the automatic wardrobe change when the virtual world siren is sounded, I can say that she's cautious. The game stats were change into a health parameter and mana parameter. May inilagay din siyang pain absorber protocol na magpapawalang bisa sa sakit na mararamdaman ng isang user sa 80%. Makakaramdam tayo ng konti ngunit hindi ito ganoon kalala kagaya na lang sa tunay na mundo lalo na kung mapuputulan ka ng paa. Tungkol naman sa misteryosong paglitaw ng mga game stats gaya ng strength, agility and intelligence sa student's window at pati skills, lumitaw na 'yon sa simula pa lang ng unang pagsabak ng Virtualrealmnet at nag-iwan ito ng palaisipan sa Sirius Tech," paliwanag ni Jairus.

Natigilan ako sa aking mga narinig. Tumatakbo pa rin sa aking isipan ang mga kaganapang ito simula pa lang noong sumabak kami sa beta testing nila Zoiren sa Virtualrealmnet. Noong ipinakita ko kasi ang window kay Prof. Leizuko, ang sabi niya sa aki'y ibalewala ko lang muna iyon at kapag may napapansin akong kakaiba ay iuulat ko ito sa kanya.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now