Hindi na rin ako magtatakang alam na rin ito ni Prof. Leizuko. Ang palaisipan naman sa akin ngayon sa nangyayari ay paano naman nakapasok ang isang AI sa systems. Nakakagulat ding makita sa student's window kahapon na napalitan ng HP at MP bars ang mga game stats na strength, agility at intelligence. Marahil binago ni Avicta ang setup ng aming mga student's window lalo na sa avatar settings.
Napag-isip-isip ko lang... siya rin kaya ang may gawa ng maliit na bug sa systems noong isinagawa ang huling sabak sa beta testing?
"Sigurado ako hanggang ngayon iniimbestigahan pa rin nila ang pinagmulan ng AI na ito," sabi naman ni Calyx.
"Sinabi mo pa," tugon naman ni Andy.
Kaagad namang tumingin sa amin si Calyx at sinundan ng parehong katanungan.
"Sa inyo naman Zenrie at Zoiren, kumusta naman ang SAU matapos ang naganap kahapon?" nag-aalala namang tanong niya.
Matapos kong sumubo ng konting piraso ng tiramisu cake, bigla akong natigilan saglit at napadampi ng kamay sa kaliwang braso. Nandito pa rin kasi ang natamo kong daplis mula sa pakikipalaban ko kahapon sa mga leong may apat na mata sa Shadow Filora. Masuwerte namang nakasuot ako ng damit na may mahabang manggas at natatakpan ang braso ko, maliban nga lang sa mga balikat ko.
"Gaya rin ng iba, marami ring natatakot matapos ang pangyayaring iyon. May naghimatay, napasigaw at munting kaguluhan na para bang katapusan na ng mundo. Hindi ko maitatangging parang pinagsakluban ng langit at lupa ang lahat ng nandito, kagaya na lang ni Ranzou matapos niyang madiskubreng nawala ang log out button sa student's window," pagsalaysay ko sa mga nangyari.
"Kung ganoon, si Ranzou ang unang nakapansin sa paglaho ng log out button sa inyo?" tanong ni Calyx.
"Oo Calyx," patango kong saad.
"Hindi lang 'yan." Sumingit naman si Zoiren matapos niyang ubusin ang isang basong kape. He folded his arms on the table as he leans forward a little bit.
Sandali lang... parang hindi ko gusto ang mga susunod na maririnig na salita dahil sa postura niya. Bahagya rin kasi siyang ngumiti at nagnakaw-tingin pa sa'kin.
"Ano 'yon Zoiren?" tanong ni Ellah na mas nagiging interesante.
Pasimple naman akong kumakain ng dark chocolate habang inaabangan ko ang mga susunod na sasabihin niya. Kapag sasabihin niya sa kanila ang tungkol sa pinagmulan ng daplis ko sa braso, isusunod ko talaga siya kay Jairus pagkatapos nito.
"Napasigaw si Zenrie sa inis kahapon at bigla na lang nag-walk out habang nagkakagulo. Halos malapit nang kumagat ang dilim nang makabalik siya sa dorm at napag-alaman naming pumunta siya sa hardin. Sabihin na lang nating nagpapahangin siya roon upang mawala ang tension sa loob niya dahil kay Avicta, kesa naman sa magwala pa siya sa open field at sirain ang screen," pagkukuwento naman ni Zoiren sa kanila at mahina pa itong tumawa.
I stare at Zoiren with in a dull manner while taking for another bite slowly. Kahit hindi niya binanggit ang buong kuwento sa kanila lalong-lalo na sa Shadow Filora, hindi ko pa rin maiwasang mabahala at baka pauulanan na naman ako ng samu't saring katanungan lalong-lalo na ang Jairus na 'to. Minsan nga lang siyang magsalita rito pero hindi mo namamalayang may inihanda na pala siyang mga ibabato para sayo.
Nakakainis pa rin sa akin ang mokong na 'to lalo na kapag isinasagawa niya ang mga galawan niya.
Jairus sighed and took a sip on his cup of coffee. Pagkatapos ay inilapag niya ito at muling ibinuka ang kanyang bibig tungkol sa kuwento ni Zoiren.
DU LIEST GERADE
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 12.1: Beta Tester #1-A
Beginne am Anfang
