EPILOGUE

334 14 1
                                    

EPILOGUE

ZEIAH

Our life wasn't perfect. Nawalan ako ng magulang. Napunta sa isang hindi ordinaryong paaralan. Nagmahal. Nasaktan. Maraming sekreto ang nabunyag. Natuto akong magpatawad at magsimula ulit.

Hindi naman talaga perpekto ang buhay. Walang buhay na perpekto. Our life has flaws and we need to accept it and learn from it. That is what important, learn from your mistakes.

"What are you thinking about?" Napangiti ako nang maramdaman si Luxrae na niyakap ako mula sa likuran. Pinatakan niya ako ng halik sa leeg.

"Ang sweet nila 'no," sabi ko. Tinutikoy ko sila Luxrine at Fix na nagkukulitan mula sa garden sa ibaba.

Ramdam kong napasimangot si Luxrae. Ayaw niya talagang nakikitang magkasama ang dalawa. Hindi siya sanay na umiibig na rin ang kapatid niya. Pero wala siyang magawa kun'di suportahan ang mga ito.

"Aga-aga eh," reklamo niya.

"Bakit ikaw rin naman ah? Maagang nakapulupot sa akin," reklamo ko pabalik at humarap sa kaniya. Ang gwapo niya talaga!

Napatawa siya at hinalikan ako sa labi.

"He should make sure to not hurt my sister because I won't think twice to kill him it that happens," bulong niya at hinalikan ulit ako.

"Kuya will do the same to you," sabi ko habang dumadaing nang dumako ang mga halik niya sa leeg ko.

"I will never hurt you, my queen. Never." Isinabit niya ang paa ko sa waist niya at binuhat papasok sa kwarto habang patuloy pa rin akong hinahalikan.

I was lost with his kisses. Napakasarap talagang humalik ng isang 'to. I just found myself laying in bed while he was on top of me. I was so lost with the sensation he was giving me. Konti nalang bibigay na talaga ako. Pero konting hintay na rin lang naman. . .

"I'm so excited with our wedding," he murmur while kissing my chest. "I can't wait to make love to you and have kids."

Next week will be our wedding. Ilang buwan din niyang pinaghandaan ito. Mas focus pa nga siya sa pag-oorganize kaysa sa akin. He said he wanted this to be perfect and the best but having him as my husband is the best thing in my life.

"Halata nga," I chuckled when I felt his boner on my legs. He groaned.

Ilang beses na rin siyang nagpipigil. Handa naman akong ibigay sa kaniya ang lahat lahat pero pinipigil niya ang sarili niya. O mayroon talagang pumipigil sa kaniya.

"Kuya! Tama na 'yan! Tinatawag na tayo!" sigaw ni Luxrill mula sa labas.

Hindi ko alam kung alam niyang may ginagawa talaga kami ni Luxrae at sinasadya. O nagkataon lang na palaging sa tuwing may ginagawang kababalaghan ang kuya niya ay palagi siyang sumusulpot.

"Damn!" Napatigil si Luxrae sa ginagawa at diretsong tumayo papuntang restroom. Napatawa ako at inayos na ang sarili ko bago bumaba.

Dumiretso ako ng garden dahil usually ay roon kami nagbre-breakfast. Naabutan ko si Dad at Tito Magnus na nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape. Agad akong lumapit at hinalikan si Daddy sa pisngi.

"Good morning, Dad!" bati ko. "Good morning, Tito."

"Good morning, princess."

Yup. Nagbagong buhay na si Tito Magnus. Nagkapatawaran sila ni Daddy at ngayon ay bumabawi sa isa't isa. Napatawad ko na rin siya sa mga nagawa niya. Ayokong may dinadala pang galit. Forgiveness will set you free.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon