CHAPTER ELEVEN

541 32 8
                                    

CHAPTER ELEVEN


ZEIAH


(continuation of chapter 9)

"I'm sorry for accusing you. I know that you are innocent and didn't do anything wrong but right now, I need you to trust me."



Napahiwalay ako sa kaniya at tinampal siya sa dibdib. Pinagsasabi nito?



"Monggol ka eh!"



Napakunot naman siya ng noo dahil sa sinabi ko. Hindi niya siguro na-gets.



"Monggol?"




"Oo! Monggoloid! Alam mo na wala akong kasalanan tapos gusto mong pagkatiwalaan kita pero pinagbintangan mo ako? Gago ka ba?"





"Don't cuss," utos niya na para bang hindi siya nagmumura. "Sisiguraduhin kong hindi ka naman mapapahamak eh---"




"Anong hindi?! Eh, halos patayin na ako ng mga bampira rito," pagrereklamo ko. Hindi ko talaga siya ma-gets.



"Sorry. I didn't see that coming."





"Bakit ba kasi pinagbibintangan mo ako? Ano yun memabintang ka lang? Trip-trip mo? Kainis ka nananahimik ako rito. Ang bait-bait kong nilalang tapos... hay nako! Binubully rin tuloy ako rito. Wala na akong kalayaan!"




Isang mahabang katahimikan habang magkatitigan kaming dalawa. Walang nagsalita kahit sino sa amin. Naiinis na talaga ko sa kaniya, ang dami-dami kong sinabi tapos wala man lang siyang sinagot kahit isa. Kung may seenzoned, may hearzoned din pala.





"Ano na? Uy!" Natulala na yata siya sa kagandahan ko. Tsk. Tsk. Parehas talaga sila ng kapatid niya.




He sighed. Mapabuntong-hininga talaga siya at parang pinipigilan na mapangiti.




"Hays. I think wala na akong magagawa. Let's go to other place." Sabay hawak niya sa kamay ko at sa isang iglap lang ay nasa isang bahay na kami--- ay, mukhang kwarto yata. Ay ewan ko!




"Nasaan tayo?" tanong ko habang namamangha sa mga nakikita ko.




"My penthouse," sagot niya na parang wala lang.



"Penthouse?! Wow!" Mangha kong sabi. Penthouse pala 'to, at nandito na ang lahat. Lahat din ng gamit mukang mamahalin, parang nakakatakot tuloy na umalis sa kinatatayuan ko. Kulang pa yata ang buhay ko kapag nakasira ako rito.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon