Chapter One

1.6K 90 258
                                    

CHAPTER ONE

ZEIAH

"Ayoko na! Hindi ko na alam!" Napapikit na lang ako nang tumili si Macey.


"Ano ba, Macey! Manahimik ka nga! Pinagtitinginan tayo!" bulong ko. Nandito kasi kami sa canteen ng school namin at syempre, canteen means maraming tao tapos bigla na lang sisigaw itong si Macey dahil sa kaadikan niya. Edi s'yempre, pagtitinginan kami ng ibang students.


"Ehhh! Sino ba kasi ang pipiliin ko? Si Damon o si Edward?" Naguguluhang tanong niya. Napabuntong hininga na lang ako.


Ayan. Ayan ang kaadikan niya. Adik siya kina Damon Salvatore ng Vampire Diaries at Edward Cullen ng Twilight. Adik na adik siya sa dalawa kaya mas pinoproblema niya pa kung sino ang pipiliin sa dalawa kaysa sa exam namin sa physics bukas.


"Ewan ko sayo," sabi ko na lang habang pailing-iling. Napasimangot naman siya.


Tiningnan ko ang relos ko at 15 mins na lang lalabas na sila Lawrence. Inaya ko si Macey na roon na lang maghintay sa tapat ng building nila Law. Kanina pa kasi tapos ang class namin pero kailangan ko kasing hintayin si Law dahil sabay kami palagi umuuwi. Si Macey naman, nakihintay na rin dahil ayaw niya raw umuwi nang walang kasabay. Nakatira lang naman kami sa iisang apartment kaya mas okay na sabay-sabay na kami.


"Sa tingin mo, totoo kaya ang mga bampira?" Macey asked out of the blue. Napatawa na lang ako. Sino ba naman kasing tao ang maniniwala sa mga bampira? si Macey lang naman. They only exist in books. They're are just fictions—made by the person's imagination.


"S'yempre hindi! Mga fiction lang sila 'no! Adik na adik ka naman diyan!" sabi ko.


"Eh, kaysa naman maadik din ako dun kay Mark, katulad mo?"


Namula naman ako sa sinabi niya. Tae talaga nito, alam talaga kung paano ako basagin. Si Mark Harson lang naman ang long time crush ko na schoolmate ko. Oo, nag-uusap kami pero hindi naman kami close kasi alam mo na... nahihiya ako sa kaniya. Iba kasi siya sa lahat eh.


Hindi kasi siya pa-badboy katulad ng iba o hindi kaya yung cold na gustong gusto ng mga kababaihan. Literal na mabait siya, iyon ang gusto ko sa kaniya.


"Pero seryoso na paano kung sa tagong lugar lang sila?"


"Eh paano naman kung wala talaga?"


Inirapan niya lang ako at nginusuan.


"Nag-aaway na naman kayo." Napatingin ako kay Law na nandito na pala sa tabi ko. He kissed me on my forehead.


"Eh ikaw, Law? Tingin mo totoo ang mga bampira?" napairap na lang ako nang magtanong si Macey. Law just shrugged. He doesn't seem interested.


"Hindi ka ba magre-review?" napatingin ako kay Macey nang magtanong siya sa akin. Nakaupo siya sa kama niya habang nasa lap niya ang libro namin sa physics.


Magkakasama lang kaming tatlo nila Law sa iisang apartment, nasa kabilang kwarto si Law habang magkasama kami sa iisang kwarto ni Macey. Sa probinsya kasi talaga kami nakatira but since malayo ang school namin, naisipan namin mag-apartment. Pero umuuwi kami every weekends.


"Nag-review na ako kanina," sabi ko.


"Huh? Parang hindi ko napansin?" nakakunot-noo na tanong niya.


"Eh paano naman kasi! Mas inuna mo pa yun mga bampira kaysa sa pagrereview," ani ko. She just rolled her eyes then faced her laptop habang ako naman ay natulog na.


Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon