CHAPTER TEN

519 29 3
                                    

CHAPTER TEN

LAW

Nasa likod ako nang campus dahil kailangan ko nang lugar na tahimik. Nakahinga na rin ako nang maluwag sa pangyayari kay Zeiah pero hindi pa rin buo ang tiwala ko roon sa King na iyon. Babantayan ko lahat ng kilos niya.



Pero may isang bagay na nahagip ng mata ko. Yung picture frame sa may side table niya. May tatlong mga batang lalaki roon sa picture. Ang pinagtataka ko ay kung bakit nandoon ako sa picture na iyon. I'm very sure that it was me though it is impossible 'cause I don't even know him. I can't even remember having friends when I was young.



"Ouch."



Napapatigil ako sa pag-iisip nang bigla akong makarinig ng kung ano. Napatayo ako bigla para ihanda ang sarili ko dahil baka isang kalaban iyon, pero isang babaeng nakaupo ang nakita ko.




"Zeiah?" Napaangat ito nang tingin at parang nagulat pa na makita ako.




"L-law? Ah! Oo, Law! A-andito ka pala." Tumayo ito saka pinagpagan ang pwet niya.




"Ayos ka lang ba?" tanong ko at nilapitan siya. Para naman itong hindi mapakali at napansin ko ang pamumula nang pisngi nito. Ang cute talaga ng kapatid ko.





"O-oo. Okay lang ako. Nadulas lang." Nilampasan niya ako at umupo sa kung saan ako nakaupo kanina. Tumabi naman ako sa kaniya.




"Tungkol sa kinaso sayo, huwag kang---"





"Wala 'yon! Alam ko na Law. Ahm... ano... tanggap ko na. Oo, tama. Tanggap ko," parang hindi siya sigurado sa mga sinasabi niya.



"Basta nandito lang ako sa tabi mo."




Tiningnan niya lang ako saglit saka ngumiti. Namumula pa rin ang pisngi niya.




Ilang minuto lang kaming tahimik. Pinakikiramdaman ang isa't-isa. Naramdam ako ng kapayapaan sa loob ko, pero hindi ito si Zei. Si Zei ay madaldal at hindi mauubusan nang kwento sa akin.



Magsasalita na sana ako pero nauhahan na niya ako.




"May nagugustuhan ka na ba, Law?"





Nagulat ako sa tanong niya. Napakurap-kurap ako at sinisigurado kung tama ba ako ng pagkarinig.




"A-ah! Huwag mong masamain ang tanong ko ah! A-ano lang kasi... ano... ahm... alam mo na. Ganun," nahihiya pa siyang ngumiti sa akin kaya hindi ko rin mapigilan na mapangiti.





"Are you starting sa like someone, Zei?" Nakangiting tanong ko. Nakaramdam ako nang parang may pumitik sa loob ko pero hindi ko pinansin iyon.




"Ano?! W-wala ah! B-bakit naman napunta sa akin ang usapan? Ikaw ang tinata---"





"Wala pa akong nagugustuhan," sagot ko nang nakangiti.




Biglang nagliwanag ang mukha niya at parang puno nang pag-asa.




"Talaga?!" tanong niya na may sobrang laki ang ngiti. Napataas ako ng kilay. Bakit parang sobrang big deal 'non? Tumango lang ako.




May kakaiba sa kaniya ngayon, hindi ko lang alam kung ano.


ZEIAH

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon