CHAPTER TWELVE

503 28 1
                                    

CHAPTER TWELVE

ZEIAH

Nakaupo kaming lahat ngayon sa auditorium. Hinihintay ang pagdating ni King dahil magbibida-bida raw siya at may speech para sa lahat.


"Zei! Totoo talaga ang sinabi mo? Dinala ka talaga ni Kuya sa penthouse niya?" pangungulit sa akin ni Luxrill. Kwinento ko kasi sa kanila yung nangyari.




Hindi naman sila makapaniwala. Aba, kung ganun lang din pala reaction nila e'di sana hindi ko na lang sinabi. Malay ko bang wala pang dinadalang babae si King doon sa penthouse niya.



Pero magpakatotoo na tayo dito, kinikilig talaga ako kapag iniisip kong ako pa lang ang kauna-unahang babaeng nakapasok dun. Yiieee! Dejoke lang. Pero seryoso, kinikilig talaga ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kilig yung tipong parang may mga butterfly sa tiyan ko na para akong natatae na ewan? Gets niyo ba? Basta ganun! Pero syempre, sa akin lang yun at hindi ko ipapahalata sa kanila.





"Oo nga! Kulit nito," sabi ko. Nag-pout naman siya. Ang cute niya para siyang si King. Actually, napapansin ko may pagkahawig si Luxrill at Law. Ako lang talaga ang hindi niya kamukha kahit ako yung kapatid.




"Ang unfair naman! Kahit ako hindi pa nakakapasok dun, even Luxrine. Hanggang office lang kami tapos ikaw?" hindi makapaniwalang pagmamaktol.





"Uy, teka. Doon ka sa kuya mo magreklamo h'wag sa akin. Siya nagdala sa akin doon, malay ko ba," sabi ko.




Napatingin naman ako kay Law na katabi ko sa kabilang side. Nakakunot ang noo niya at nakasimangot. Eh? Problema rin ng isang 'to?




Tatanungin ko pa sana siya kaya lang biglang nagsitayuan ang lahat at nag-bow dahil dumating na si King at kasama niya si Master Vhax, kasama ang labing-dalawang councils sa likod.


Sa second row kami sa harapan nakapwesto. Umupo sila sa harap namin at saktong sa harapan ko si Master Vhax.






"Hello po," bati ko bago umupo. Ngumiti naman siya sa akin. Sabi sa inyo close kami niyan eh.





Umakyat si King sa stage. Wala kang maririnig na kahit ano nang tumayo siya sa harapan. Mararamdaman mo ang totoong nakabibinging katahimikan. Iba talaga ang kamandag nitong si King.




"Good morning ladies and gentlemen," pasimula niya. Wala kang mababatid na kahit anong emosyon sa kaniya. Parang hindi talaga good ang morning niya. "First of all, I want to thank all of the students who participated with us, especially with... Ms. Quizon." Tumikhim muna talaga siya bago sabihin ang pangalan ko.




"I'm here to directly tell to all of you that Ms. Quizon is innocent and doesn't do anything wrong. So, all the students who accused and bullied her will conduct community service. Looks like you forgot our mission. We're here to help each other to be stronger than we are. To respect each other either they are mortals or immotals, enemy or not. And also, we are trained to protect ourselves, our clan and the mortals. I don't want to happened that again," he paused.






Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon