CHAPTER THIRTY EIGHT

173 14 1
                                    

CHAPTER THIRTY EIGHT

ZEIAH

Kanina pa ako naghihintay kina Luxrae pero wala pa rin sila. Todo kaba ang nararamdaman ko ngayon. Sana ayos lang si Kuya Law, sana mailigtas siya ni Luxrae. Hindi ako makapaniwalang hindi kami tunay na magkapatid. Na ang kapatid niya ay si King talaga.

Para kaming nasa isang nobela o palabas, ang daming nangyayari. ang daming revelasyon. Napakaliit nang mundong ginagalawan namin. Kaya siguro kami dinala rito dahil dito talaga kami nabibilang.

Hindi ko maiwasang malungkot nang malaman kong hindi ko totoong kadugo si Kuya Law pero kahit anong mangyari alam ko sa sarili kong itinuturing ko pa rin siyang bilang kapatid. Masaya ako para kay Luxrae dahil nakita na niya ang kapatid niya. Sana lang ay matutunan na niyang patawarin ang sarili niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko  nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Luxrae at may pumasok na linta, si Kimmy. Dito ko kasi naisipang maghintay habang hawak-hawak ang litrato nilang magkakapatid kasama si Kuya Law.

Ano naman kayang ginagawa nitong babaeng 'to rito? Ewan ko ba. Makita ko lang 'tong si Kimmy ay kumukulo ang dugo ko. Buti na lang wala rito si Luxrae dahil baka landiin na naman nitong babaeng 'to ang King ko. Hindi ako makapapayag lalo na't may karapatan na ako ngayon.


Napataas ang kilay niya nang makita ako. Hindi niya yata inaasahan na makita ko rito.

"What are you doing here?" maarteng tanong niya sa akin. Ako dapat ang nagtatanong ng tanong niya eh!

"Ikaw? Bakit ka nandito?" tanong ko rin pabalik. Napaisip tuloy ako. Siguro lagi rin siyang nandito noong sila pa ni King. Ano kaya ang ginagawa nila? Parang may kumurot sa puso ko sa naiisip ko. Mas lalo akong nagagalit.

"Ofcourse, I'm his fiancé." Tumaas ang gilid ng labi niya at unti-unting humakbang papalapit sa akin. “You think I will let go of King easily? Doon ka nagkakamali. For sure, naguguluhan lang siya ngayon dahil inaakit mo siya! You bitch!"

Napayukom ako ng kamao at inirapan siya. Aba't sa akin pa talaga ibinintang ang mga bagay na ginagawa niya.

"Alam ko namang hihiwalayan ka rin niya kapag nagsawa na siya sayo. You look so dull and not attractive at all." Nababalot na ng inis ang buong pagkatao ko. Hindi na lang ako nagsasalita dahil baka kung ano pa ang masabi at magawa ko. Bwisit na babaeng 'to. Laitin pa ang itsura ko! Ngumisi siya nang mapansin ang reaction ko.

"Alam mo ba kung paano pasayahin si King? I bet you're so lame in bed. I remember how he moan so loud while he was sitting on that chair as I suck him." Umupo siya sa swivel chair ni Luxrae habang ngumisi na parang inaalala ang masarap na ala-alang 'yon.

Natulos ako sa kinatatayuan ko. Ayoko man pero hindi ko mapigilang isipin ang mga pinagsasabi niya. Bumigat ang hininga ko at may kung ano akong nararamdaman sa kaloob-looban ko. Masakit. Sobra. Parang gusto kong manakit sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Pati na rin ang matinding galit at selos sa babaeng nasa harap ko ngayon.

"And how I like it whenever he took me over his table until we reached the heaven." Tumayo siya at umikot sa table at pumunta sa harap ko. "How about you? Could you pleasure him too? I bet not. Kaya sa akin din siya uuwi. Sa akin lang si King."

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon