CHAPTER FORTY FOUR

184 12 2
                                    

CHAPTER FORTY FOUR

XIENA

I kept on crying while hugging my daughter. Sinabi siya sa akin ang lahat. Lahat ng nangyari noong wala ako. Kung anong ginagawa ni Vhax, kung paano siya mangulila sa amin. My heart ached while thinking Vhax being vulnerable.

And my baby. . . naaalala ko si Leiah. She's our first born. Ipinanganak siya bago mangyari ang pagsabog at isa pa ako noong mortal. That made her half vampire and half human. Ang buong akala ko ay nasa puder siya ni Vhax pero hindi rin pala.

She also told me about her twin. Si Zeiah, ang ibinigay ko kay Anna. Kwinento niya lahat ng ginawa ng kapatid niya. I'm thankful that Leiah protects her sister.

Niyakap ko siya at hinalik-halikan sa pisngi. My baby. . . Nalulungkot ako sa tuwing naaalalang hindi ko man lang sila naalagaan noong mga bata sila, wala ako noong mga panahong kailangan nila ako. I wasn't there in their first times. Pero hindi pa huli ang lahat. Babawi ako sa asawa at mga anak ko.

"What are you doing here, Mom?" naguguluhang tanong niya.

"I'm sorry, baby. I lost my memories that's why hindi ako nakabalik agad. Babawi si Mommy, okay?" I whispered.

"I can't believe that you're alive. I never lose hope because I want us to be a complete family," naiiyak na sabi nito.

"And we will be, okay? Gagawa ako ng paraan para makaalis tayo dito."

Sinulit ko ang pagkakataon na yakap-yakap ko siya. Ayaw ko man umalis sa tabi niya pero kailangan. Baka hinahanap na ako ni Magnus at maghinala pa iyon sa akin.

Iniwan ko si Leiah nang makatulog ito. Babalikan ko nalang ulit siya mamaya. Bumalik ako sa kwarto namin ni Magnus. Natagpuan ko siyang nakaupo na sa kama at balak nang humiga. Nang makita ako ay ngumiti siya sa akin.

Why won't he try to be an actor? I could see that he was good at it.

"How is she?" He asked.

"She's fine," simpleng sagot ko at naghanda na para tumabi sa kaniya sa pagtulog.

I'm a good actress too.

Humiga na ako sa kama niya, sa tabi niya. Tumalikod ako sa kaniya at naramdaman kong yumakap siya sa akin. Hindi ko alam kung ilang gabi ko hinihiling na sana si Vhax ang katabi ko. Kumikirot ang puso ko at para akong nagtataksil sa asawa ko.

I can't stand being with Magnus. Ayokong mapalapit sa kaniya. Ni ang mahawakan siya ay ayaw ko. Kinikilabutan ako. Wala akong nararamdaman sa kaniya ngayon kun'di galit at pagkamuhi. Pero kailangan kong magtiis. Konting-tiis na lang.

Para akong naestatwa nang naramdaman ko ang kamay niya na pumailalim sa t-shirt ko. Agad kong inalis ito at lumayo sa kaniya. I know what he wants and he will not get it from me. Never. My body is for my husband only.

"Baby. . ." Ungot niya.

"Magnus, I'm tired. Matulog ka na."

Hindi na rin siya nagpumilit at tumalikod din sa akin. Mas mabuti na ang ganito.

Kinabukasan, naabutan ko na gising na si Leiah. Bitbit ko ang breakfast na talagang niluto ko para sa kaniya.

"Mommy!" masayang usal niya.

"Lower down your voice, Leiah. They might here us," saway ko.

Inilapag ko ang breakfast sa harap niya na masagana naman niyang kinain. Masuyo kong hinaplos ang buhok niya.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon