Chapter Two

1K 88 228
                                    

CHAPTER TWO

ZEIAH

Tatlong araw na ang lumipas matapos ang nangyari. Tatlong araw na rin kaming nag-aadjust sa school na ito kaya medyo nasanay na rin ako. Palagi ko na ring ipinapasok sa isip ko na ang mga kasama ko ay mga bampira at hindi na normal na tao lang.


Sobrang lapad ng ng eskwelahang 'to. Kung malaki ang school ko noon, triple ang laki nito. Parang ginawa talaga para sa mga bampira dahil kung para sa mga tao ito, kailangan pa namin yata sumakay ng tricycle para mapuntahan ang bawat building.


Nandito ako ngayon sa dorm ko kasama ang mga dormmates ko na nagkwe-kwentuhan ngayon. Para ngang nato-tomboy ako tuwing tumitingin sa kanila dahil napakaganda nila sobra! Nahiya nga ako eh.


"So, Zeiah, do you want to join us in dinner?"


That's Heylil. May accent siya sa pag-e-english. Mukha siyang mataray pero mukha lang 'yon dahil mabait siya. Feeling ko nga hindi siya masyadong nagsasalita at mahilig siyang magbasa ng libro. Isa rin siya sa 25 na leaders kanina. Siya ang leader ng Wizard Vampires.


"Uhm, sige pero kasi kasama ko ang kuya ko," sabi ko.


"That's fine! Gusto rin namin siya makilala."


That's Archelle. Ito naman, may pagkamadaldal, sosyalin, mataray talaga pero mabait naman. Isa rin siya sa mga leader, siya ang leader ng Invisipires. Ang galing nga eh dahil kaya niyang maging invisible. Gusto ko nga din yun kaya lang isa lang akong immortal.


Apat kami sa dorm na ito. Yung dalawa, okay pa sa akin kasi mababait sila pero yung isa, mukhang masungit–no! Let's rephrase it. Hindi lang mukhang masungit kasi masungit talaga siya.


And speaking of her, kakapasok lang niya. Pagkakita na pagkakita niya sa akin bigla na lang niya ako inirapan. Luh, problema ng brohildang 'to?


Her name is Sapphire. Natuwa pa nga ako sa kaniya nung una kasi akala ko siya ang pinakamabait. Mukha kasi siyang anghel pero bruha pala. Pero feeling ko mabait talaga siya, kailangan mo lang hulihin ang kiliti.


"Halika na, Zei. Mag dinner na tayo," aya ng dalawa kaya tumayo na ako at sumunod sa dalawa. Hindi man lang nila niyaya si Sapphire.


K'wentuhan lang kami nang k'wentuhan habang papunta sa cafeteria. Namimiss ko tuloy si Macey. Naalala ko kasi ganito rin kaming dalawa. Umiling-iling ako nang maramdaman kong namamasa ang mata ko. Nakakahiya naman kung magdradrama ako rito.


"Are you okay, Zei?" tanong ni Archelle.


Tumango lang ako at ngumiti. "Oo, okay lang ako. Napuwing lang."


Lumapit sa tabi ko si Heyl at inamoy-amoy ang leeg ko. Umatras naman ako kasi nakikiliti ako sa pag-amoy niya. Problema nito?


"Are you really a human?" tanong niya. Napakunot naman ang noo ko.


"Hindi. Alien ako," pagbibiro ko. Napatawa naman silang dalawa. Ang bobo kasi ng tanong, malamang tao ako. Duh. Alanga namang isa akong bampira.


"Nakakatawa ka talaga, Zei," natatawang sabi ni Archelle. Kita mo 'to, ginawa pa akong clown.


"Pero ba't ganon? I can't smell your blood," ani Heyl. Sumangayon naman si Archelle. Sabay naman nilang inamoy ang leeg ko kaya napaatras ulit ako.


"Ano ba!" reklamo ko. "Huwag niyo nga akong amuyin! Nakikiliti ako!"


"So may kiliti ka sa leeg?" ani Archelle tas kiniliti nila ako sa leeg. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Mga bwisit na bampirang 'to, pinagkakaisahan ako.


Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon