CHAPTER TWENTY ONE

278 19 0
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

LAW

“Kuya?” Napatingin ako kay Zei nang iwinagayway niya ang kamay sa harap ko. “Okay ka lang ba?”



“Ha? Okay lang ako. Bakit?”



She rolled her eyes at me then pouted, “Parang kanina ka pa wala sa sarili. Hindi mo naman ako pinapakinggan sa mga sinasabi ko eh!”


“Sorry. May iniisip lang ako,” I said.


“Ano ‘yon?”




I smiled and ruffled her hair. Sinamaan naman niya ako ng tingin. “We'll talk later, okay? Hindi ba may klase ka pa?”




“Hala! Oo nga!" Bigla siyang napatingin sa relo niya at nanlaki ang mga mata. “Late na ako, kuya! Mauuna na ako! Babye!”




“Okay. Take care.” I smiled. Kinuha na niya ang mga gamit niya tsaka umalis na. I sighed.




Pumunta ako sa likod ng VA, kung saan madalas akong tumatambay lalo na kapag maraming iniisip. Lately, I've been dreaming things, hindi ko alam kung ano iyon. Pero sigurado akong tungkol iyon sa akin. Parte iyon ng pagkatao ko na matagal ko nang gustong malaman.




“What's your name little boy?” tanong ng isang lalaki sa batang lalaki na sa tingin ko ay ako. Malabo ang kaniyang mukha kaya hindi ko malaman kung sino iyon. Lahat ng nakapaligid sa akin ay malalabo ang mga mukha pero ang scenario, malinaw ang lahat.




“Dazure po!” nakangiting sagot ko. Tumawa ang lalaki kahit wala namang nakakatawa. Katabi niya ang isang babaeng buntis at nakangiti rin sa akin.




“Master, napadalaw po kayo?” tanong ni Mama sa kanila.



“Eto kasing si Xeina, gustong pumunta rito. Wala na raw siyang magawa sa mansyon kaya rito muna kami para malibang siya sa mga bata,” paliwanag nito.



Lumapit sa akin ang babaeng buntis at ginulo ang buhok ko. Napasimangot ako dahil doon.



“Hi, Dazure! Ang cute-cute mo! Kamukha mo ang kuya mo!” sabay pisil sa pisngi ko.




Dumating naman si kuya kasama si Papa. “Tito Vhax! Tita Xeina!” tumatakbo ito palapit. Mag-eensayo na po ba tayo?” excited na tanong ni Kuya.




“Hindi pa, hijo. Magpalaki ka muna, okay?” sabay silang natawa ni Papa.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon