CHAPTER THIRTY

208 13 0
                                    


CHAPTER THIRTY

HEYLIL

I gasped and exclaimed in disgust with what we saw. Sa ilang araw naming paghahanap, nakita na namin ang tabing dagat kung saan tinatapon ng mga vampire hunters ang walang buhay na katawan ng mga mortal.


Sa isang bangin, nagkalat ang mga patay hanggang sa dagat na puno ng mga bangkay. Malayo pa lang kami, naaamoy na namin ang kakaibang amoy ng mga ito, lalo na't malakas ang pang-amoy naming mga bampira. May mga katawan na wala ng ulo, laman loob, may mga kagat ang buong katawan, ang iba pa nga ay inuuuod na.

"Shit naman," Lucifer exclaimed, he closed his eyes na para bang hindi niya kayang makita ang nasa paligid niya.



I remained myself in a stoic expression, even though my heart was pounding abnormally because of what we saw and of course, Lucifer was here.




Yes, he's my partner in this mission. Sa lahat ba naman kasi nang mabubunot ko bakit siya pa? Siya ang pinakaayaw kong kasama, pero pinaglalaruan yata ako dahil pinagtatagpo yata kami kahit na anong gawin ko.



"Ang dedemonyo ng mga gumagawa nito," he commented. Hindi ako sumagot, nanatili akong tahimik.




Kanina pa siya nagtatangkang kausapin ako pero hindi ko siya pinagbibigyan. Ayoko. Ayokong bigyan siya ng pag-asa dahil aasa rin ako. Mas maganda nang ganito kami. Nakasunod lang siya sa akin palagi, kung magsasalita man ako ay iyong mga important lang. Hindi naman siya nagrereklamo o nagpupumilit na ikinatuwa ko naman.



"I'll just inform King about this," sabi niya makalipas ang ilang minuto.




Tumalikod siya sa akin at lumayo muna habang patuloy ako sa pagtingin-tingin sa paligid. Malinis ang pagkakagawa, wala man lang nag-iwan ng bakas na maaari naming magamit. Kahit maputik ang paligid wala ring bakas ng mga paa na may nanggaling rito.



Napatigil ako nang may naramdaman ako sa paligid. Agad akong lumingon sa likod pero ang gumagalaw na halaman lang ang nakita ko. Sigurado akong may nagmamatyag sa amin. Shit. Bakit hindi ko naisip na pwedeng maging patibong para sa amin ito?




Agad akong kinabahan, hindi para sa sarili kun'di para kay Lucifer. Lumayo siya kanina sa akin dahil mahirap din ang signal sa lugar na ito. Baka kung anong nangyari sa kaniya. Hindi pa siya masyadong malakas ngayon dahil kakaparusa pa lang sa kaniya. Paniguradong mahina pa ang kapangyarihan niya. Hindi ko alam kung anong ginawa sa kaniya. Walang nakakaalam dahil walang nakakakita kun'di ang tagapagparusa at ang pinaparusahan.



"Lucifer!" tawag ko sa kaniya.



Naglakad-lakad ako para hanapin siya. Nang hindi ko siya makita, nagsimulang kumabog ang dibdib ko sa pag-aalala. Lalo na't ramdam kong may nagmamatyag sa akin. Nasa paligid lang sila at binabantayan ang mga kilos ko, siguro iniisip kung kailan aatake.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon