CHAPTER THREE

816 58 110
                                    

CHAPTER THREE

ZEIAH

"ATTENTION!" napatayo ako ng diretso nang sumigaw ang trainer namin. Ngayon na mismo ang simula ng pag-eensayo namin sa pakikipaglaban. Nakakakaba na ewan.



"Kanang balikat na!" Sabay-sabay naming inilagay ang kaliwang kamay sa kanang balikat ng katabi ko saka humarap sa kanan. Buti na lang may CAT kami nung highschool kaya hindi kami nahirapang sumunod.


"Baba kamay na!" binaba namin ang kamay namin at tumayo ulit ng tuwid.


"Okay! Students, since its your first day of training. Warm-up lang muna tayo! At dahil napakarami niyo at hindi ko kayo kayang i-handle isa-isa, I decided that each of you will have your own mentor! I will give my instructions to the mentors at sila mismo ang magagabay sa inyo upang matuto. Sila rin magdedecide kung improving ba kayo o hindi. Understood?!"


"Sir, Yes Sir!" sabay-sabay na sagot namin.

"So, mentors! You can now go to your partners." Utos niya sa mga mentors na mga bampira. Nakatayo lang kami at hinintay ang mga mentor na lumapit sa amin.

"Boo!"


"Ay! Palaka!" Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang may umihip sa tainga. Paglingon ko, si Luxrill lang pala. Bwisit na lalaking 'to. Ginulat pa ako.



"Gago ka. Eh, kung sapakin kita?" sinamaan ko siya ng tingin. Ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung ginugulat ako eh. Mabilis kasi ako magulat kaya nakakainis kapag ginugulat ako.


He smirked. "Oopps! Violation! 25 push-ups!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong pinagsasabi nito?! Anong push-ups?!

"H-hoy! A-anong push-ups ka riyan?"



"Isn't it obvious? I am your mentor, and I am here to teach you in any ways I can. Isa sa mga rule natin dito ang bawal ang pagmumura o hindi pagrespeto sa mentor," pagpapaliwanag niya. Pero wait? Ano raw? Siya ang mentor ko? Mas bet ko sana kung sila Heyl at Archelle ang mentor ko.


"Seryoso ka? Eh sa hindi ko naman alam." I pouted. Malay mo ma-cute-an sa akin. Hehez.

"Nuh-uh." Umiling-iling siya habang nakangisi. Kainis. Di naman lang nadala sa ka-cute-an ko. Si Law, ayon ang kahinaan niya eh.


Pumwesto na ako para magpush-up. Well, easy lang naman sa akin 'to. Work-out ko na rin 'to eh. Akala naman niya.

Nang magpupush-up na sana ako bigla na lang siyang tumawa at pinatayo ako.


"Joke lang! Eto naman!" sabi niya. Ah. So, pinagtri-tripan niya lang ako? Ang sarap niyang suntukin sa totoo lang. Pasalamat siya at mentor ko siya, kung hindi... naku! naku!


LAWRENCE

"Are you fucking kidding me?!" Damnit! This is ridiculous! I thaught lalaki ang magiging mentor ko. But it's a girl! A fucking crazy girl!

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon