CHPATER TWENTY SEVEN

214 12 0
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN

LUXRILL


Napaupo ako dahil sa pagod nang matapos kaming makipaglaban. Nagkalat ang mga abo ng venom vampires na napatay namin. Hindi biro ang bulang nila kanina.



"Shet. Nakakapagod," sabi ni Nico at umupo sa tabi ko at uminom ng tubig. Kahit bampira kami, napapagod din naman kami at nawawalan ng enerhiya.




"Mabilis ka naman talagang mapagod," biglang sabat ni Ayara.




"Napapagod ako pero hindi ako sumusuko," ganti naman ni Nico.


"May mga bagay kasing kailangan nang sukuan lalo na kung wala nang halaga," sabi naman ni Ayara habang umiirap.





Napailing na lang ako sa dalawa dahil nagsimula na naman sila. Mga parehas na bitter sa relasyon nila eh. Mag ex-jowa kasi 'tong dalawang to. Hindi ko alam kung anong nangyari pero ang alam ko lang nagkalabuan sila simula. Tumayo ako at pinagpagan ang suot ko.


"Magkabalikan na lang kaya kayo," sabi ko sa kanila. Mga indenial. Halata namang mahal pa nila ang isa't isa eh.





"No way. Wala akong balak. Naloko na ako, hindi na ako magpapaloko ulit," tanggi ni Ayara. Hindi ko nalang siya pinansin at lumapit kay Lorainia na nakasandal sa kotse.



May ibon sa kamay niya at hinahaplos niya ang ulo nito. Ni hindi man lang niya ako pinansin. Iniabot ko sa kaniya ang isang bote ng tubig.





"Salamat," sabi niya. Pinalipad niya muna ang ibon sa kamay niya bago kinuha ang tubig na hawak ko at ininom.





"Ayos na ba ang lahat?" tanong niya. Ang tinutukoy niya ay iyong mga mortal. Pumunta ang iba namin tauhan rito para madala ang truck sa V.A. at magamot ang mga ito. Buti na lang at hindi malubha ang lagay ng iba.





Tumango ako sa kaniya at tumabi sa kaniya sa pagkakasandal sa kotse.





"Nagbabangayan na naman ba sila Ayara at Nico?" tanong niya. Napangiti naman ako at tumango. "I can't blame them. They're both hurt each other. Nico cheated on her."





"You knew?" nagulat ako sa sinabi niya. Well, sila Nico at Ayara ang malapit sa amin dahil nasa Europe din sila nanirahan. Sa Greece nga lang.





"Hmm. Ayara told me so I somehow knew her side. Nakita niya raw si Nico sa iisang kwarto na may kasamang babae. Nico admitted it," she looked at me and smiled a little. "Sometimes love isn't enough to stay in a relationship. Faithfulness and commitment, dapat mayroon non. Kung wala, balewala rin ang pagmamahal ng dalawa."





Napatitig ako sa kaniya. Kung magsalita parang eksperto eh. Hindi naman siya mukhang may pinagdadaanan.




"Nagka-boyfriend ka na ba?" I unconsciously asked. Bigla namang namula ang pisngi niya. Cute.





"Wala pa. Bakit? Kailangan ba magkaroon ng jowa para may malaman tungkol sa pag-ibig?" tanong niya. Napangiti ulit siya at napatingin sa malayo. "Romantic Love, nakakaexcite maranasan pero nakakatakot at the same time. I've read a lot of romantic novels, watch series, and I saw my friends falling in love. Iba't iba silang karanasan, iba't ibang natutunan. May nasaktan, at may sumaya. Parang nakakatakot maranasan."

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon