CHAPTER THIRTY THREE

189 10 1
                                    


CHAPTER THIRTY THREE

AGATHA



"Anong gingawa nila rito?" I whispered. Nagtatago kami ngayon sa may halamanan dito sa may bakuran nang bahay nila Anna Quizon at Martin Quizon, ang tumayong mga magulang ni Zeiah at Lawrence.



Pinapahanap kami ni King ng impormasyon tungkol sa dalawa. Pero nang makarating kami ni Leon dito ay may mga nakaparada nang sasakyan. Sasakyan ng mga vampire hunters at hinalughog nila ang loob ng bahay. Hindi namin alam kung bakit.



"Tanginang mag-asawang 'yon. Ang tagal nating hinanap dito lang pala ang lungga," rinig naming pinag-uusapan ng hunters sa hindi kalayuan.




"Patay na yung lalaki, pero nakatakas iyong babae. Kailangan natin siyang mahanap kung hindi, malilintikan tayo kay Boss."




Hindi ko maintindihan kung bakit nila hinahabol iyong dalawa. Sa pagkakaalam ko, kasapi sa kanila ang mga magulang ni Zeiah. Bakit nila hinahanap at parang sila pa ang pumatay? Malaking gulo rin ito dahil ang anak nila ay nasa puder namin.




Naramdaman kong may humawak sa baywang ko. Napalingon ako kay Leon, ang boyfriend ko. Seryoso siyang tumitig sa akin.




"Mukhang wala tayong mapapala rito. Subukan nating hanapin si Anna Quizon," bulong niya. Sumang-ayon naman ako sa kaniya kaya umalis na kami roon.




Hinanap namin si Anna Quizon, malapit sa bahay nila at baka hindi pa iyon nakakalayo at may nakakilala sa kaniya. Nagtanong-tanong kami sa malalapit na bahay at kung may nakakilala ba sa pamilyang Quizon pero halos walang nakakaalam.




Mailap daw ang pamilya at halos hindi lumalabas ng bahay kaya hindi nila nakakasalimuha. Maliban nalang sa anak nilang babae, si Zeiah. Palagi rin daw wala ang mga magulang nito at nasa trabaho. Dahil wala kaming makuhang impormasyon, sinubukan naming bumalik sa bahay nila. Nakatira sila sa isang lumapain sa may gitna nang bukid, parang sinadya na tago talaga ang lugar.




Wala nang mga nakaparadang sasakyan sa may kalsada kaya umalis na siguro ang mga hunters pero maingat pa rin kami. Sa likod ng bahay kami dumaan. Mukhang wala na ngang hunters dahil napakatahimik ng lugar. Pumasok kami sa likod ng bahay, nakaalalay sa akin si Leon sa likod ko. Maalikabok at sira-sira na ang mga gamit.




Nasa salas kami, nagmamasid sa kabuoan ng bahay nang may pumasok at tinutukan kami ng baril, kaaibang baril na siguradong ikamamatay namin. Humarap kami sa isang ginang habang hinarang ni Leon ang sarili niya sa harap ko.




"Sino kayo?" tanong niya, may halong galit at takot ang boses.




"I'm Agatha. He's Leon. Hindi kami nandito para makipag-away. Actually, we are looking for you," Ako na ang sumagot dahil nakatitig lang sa kaniya si Leon. Binatantayan ang bawat kilos.




"Vampires," she whispered. Unti-unti niyang ibinaba ang hawak na baril na ikinataka ko.




She's a vampire hunter! Kung ako sa kaniya gagamitin ko na ang pagkakataon na 'to para patayin kami. Pero mukhang mas nakahinga pa siya nang maluwag na bampira ang kasama niya.



"This is not a safe place for us to talk. Sumunod kayo sa akin," sabi niya at tumalikod.




Nagkatinginan kami ni Leon. Bahagya siyang tumango at hinawakan ang kamay ko saka namin sinundan ang ginang papunta sa kung saan. Napunta kami sa may dulo pa nang bukid. Walang tao at walang kabahayan. Mga matatayog na puno lang at mga huni ng ibon na maririnig mo. Nakarating kami sa isang maliit na kubo at doon kami pinapasok.



Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon