CHAPTER TWENTY NINE

207 11 0
                                    

CHAPTER TWENTY NINE

JACOB

Dang! Hindi ko aakalain na maiisahan kami noong Xenon na 'yon. Buti na lang nandon si Rogue! Panigurado magyayabang na naman ang kolokoy na 'yon. Sinusundan ko ngayon ang sasakyan niya ng huminto kami sa isang hotel. Mas engrade 'to kaysa sa kanina namin pinuntahan.

Sinundan naman ni Clair si Xenon sa loob habang na iwan ulit ako rito sa loob ng kotse. Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinawagan ang girlfriend ko, si Rain. Kahapon ko pa kasi siya hindi ma-contact kaya nag-aalala ako sa kaniya. Baka kung ano nang nangyari roon.

Pagkatapos ng ilang ring, sinagot na rin niya ang tawag ko kaya nakahinga ako ng maluwag.



"Hey, babe," sagot ni Rain kaya napangiti ako.

"Ayos ka lang ba? Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko?" tanong ko agad sa kaniya. Nasa mission kasi siya kasama sila Von at Yacinth.

"Ayos lang ako pero nakuha ng mga hunters si Yacinth," sabi niya na ikinagulat ko.

"What? Bakit?"

"Mahabang kwento. Sige na. Babantayan ko pa si Von at mukhang wala sa sarili. Ingat ka riyan," paalala niya sa akin. "Mahal kita, Jacob."

Napangiti ako agad at parang uminit pa ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Mahal din kita, Rain," sabi ko at binaba ang tawag. Sakto naman na pinuntahan ako ni Rogue. Ngingisi-ngisi ang loko. Tsk.

"Halika na 'tol. Nag-check in si Xenon. Kaya nag-check in na rin kami ni Clair," sabi niya. Bumaba na rin ako sa sasakyan at sinundan siya papasok sa loob ng hotel.

"Shet na malupet. Kita mo 'yon 'tol?" biglang sabi ni Rogue at napahinto pa sa paglalakad. Ano na naman ang napansin nito?

"Ang alin?" curious din na tanong ko.

"Sina Cirrus at Dionne iyon 'di ba? Shet. Iba rin pala 'tong si Cirrus. Akalain mo nga naman," sabi niya sabay ngisi.

Tiningnan ko ang sinasabi niya at nakita ko nga sila Cirrus at Dionne na naghahalikan sa may sulok. Hindi man lang nagtago ang dalawang 'to. Napangisi ako. Si Dionne na kaya ang makakabihag ng puso ni Cirrus?

Sumakay kami ng elevator ni Rogue at sakto naman na sumabay sa amin iyong dalawa. Mukhang nagulat pa si Cirrus nang makita kami kaya mas lalong lumawak ang ngisi namin ni Rogue. Kala nito ha. Dati inaasar din ako nito kay Rain eh. Its payback time, dude.



"Ano 'tol? Balak niyong ituloy sa kwarto ginagawa niyo ni Dionne?" pang-aasar ni Rogue kay Cirrus kaya napahalakhak ako.



"Shut up," sabi ni Cirrus habang masama ang tingin sa amin. Si Dionne naman ay mapula ang pisngi. Halatang nahihiya.



Nang makarating kami sa floor namin, iniwan na namin ang dalawa. Who knows, may gawin pa sila sa elevator. Haha. Wala pa naman kaming kasabay.



Pagpasok namin sa room namin, naabutan namin si Clair na binabantayan ang monitor kung saan kita namin lahat ang kilos ni Xenon. Pati sa banyo kita eh. Hindi ko alam kung paano niya nalagay iyong mga camera sa kwarto nito. Ganyan talaga si Clair. Magugulat ka na lang sa ginawa niya, parehas sila ni Rogue.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon