CHAPYER TWENTY FOUR

231 14 0
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

LUXRINE


We went to Vampire's Penitentiary. I saw some vampires na wala sa kanilang sarili. Nakakulong sila sa isang kulungan na gawa sa bakal at hindi madaling masira kahit gamitan pa nila ng powers nila. Ang alam ko may spell din na nakapalibot sa mga kulungan para walang laban ang bampirang naroon.




Nakatingin lang sa akin si Kuya habang pumasok ako sa kulungan ko. I looked at him in his eyes and smiled. I want to assured him that it's fine. I could do it. Itinali nila ako sa isang malaking bakal, gamit din ang bakal na parang lubid. Napapikit ako dahil sa higpit ng pagkakatali. Halos nabalot ang buong katawan ko nang bakal. They handcuffed my wrists and put metal gloves around my hand. Nang masirugrong wala akong kawala, pumasok si Kuya sa loob ng kulungan ko.



Dala niya ang isang baso na may pulang likido. Blood. . . I could smell the sweet aroma of it. Biglang nanuyo ang lalamunan ko. I felt thirsty. The only thing that I want is to drink the blood. Lumapit sa akin si Kuya at pinainom ang isang baso ng dugo. Mabilis ko namang naubos iyon at gusto ko pa.



Tama sila, nakakaadik ang lasa ng dugo ng tao. Iba ang lasa nito sa hayop. Mas masarap. May kakaiba sa lasa nito na nakakaadik. Pumasok ang isang tauhan at inilapag sa labas ng kulungan ko ang isang planggana ng dugo.



"You want more, Princess?" Kuya Luxrae asked. Hindi ako makasagot. My eyes was focused on the blood in front of me. Yes, I want more!



"Get it, Princess," he whispered. Ni-lock nila ang kulungan ko bago ako iwan rito sa isang kwarto.



Ako lang mag-isa at ang dugo sa harapan ko na gustong-gusto kong inumin. I could feel my throat itched because of too much thirst that I feeling right now. Para akong nasisiraan ng bait. Nagpumiglas ako sa nakatali sa akin pero masyadong mahigpit. I am too weak.



My eyes darkened. I felt my eyes turned red, and my fangs started to show. Gusto kong kumawala sa tali pero hindi ko magawa. This is torture! All I want was the blood! I can't see anything but blood!





ZEIAH

"Zei. Sorry about what happened to your father," sabi sa akin ni Luxrill. Magkasama kami ngayong dalawa dahil makita niya ako kanina. Hinahanap ko kasi si Law eh kung saan-saan na naman nagsusuot.




Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Natingin lang siya sa akin at kita ko ang awa sa mga mata niya. Tsk.




"Bakit ka naman nagso-sorry eh wala ka naman kasalanan?" tanong ko sa kaniya na totoo naman. Hindi naman niya kasalanan kung bakit namatay si Papa. Hindi naman siya ang pumatay eh.




Hindi siya sumagot at napabuntong hininga nalang. Bigla akong may naalala kaya hinawakan ko ang kamay niya. Kung ayaw akong tulungan ni King, siguro naman tutulungan ako ni Luxrill hindi ba?




"Luxrill, gusto ko sanang humingi ng tulong sa'yo," sabi ko at nginitian siya. Nagsalubong ang kilay niya at nagtatanong ang mga mata.




"Gusto kong tumulong sa inyo. Malaman ang totoo. Ayaw kasi akong patulungin ni King eh," sabi ko ulit. Napabutong hininga na naman siya sa akin.



"Zei, kung ayaw ni Kuya 'wag mo nang pilitin. Para rin 'yon sa kaligtasan mo. Ayaw ka lang niyang mapahamak," paliwanag niya. Nawala ang ngiti ko at binitawan ang kamay niya.



Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon