CHAPTER SIXTEEN

449 27 1
                                    

CHAPTER SIXTEEN

ZEIAH

Natapos ang isang buong araw at wala akong ginawa kun'di ang sumunod kay King. Ang dami niyang meetings, grabe! Ako naman nakatunganga lang sa sulok at nakanganga. Pero namamangha rin ako dahil nakakakita ako ng mga mayayamang nilalang. May ganito palang business si King.





Ngayon ko lang na-realize na ang K-Corporations ang isa sa pinaka-sikat na kompaniya sa bansa. Palagi kong naririnig 'to sa t.v pero hindi ko binibigyan ng pansin dahil hindi naman ako interesado.




Biglang bumukas ang pintuan kaya napatayo ako. Pumasok roon si King na maaliwalas pa rin ang mukha na parang hindi nagtrabaho ng buong araw. Nagpaiwan na kasi ako rito sa office niya at natulog na lang. Inaantok kasi ako at feeling ko makakatulog ako sa meeting niya kung sumama pa ako. Nakakahiya naman 'yun




"I'm done for today. Let's go?" tanong niya. Napatango naman ako. Sa wakas, uuwi na kami! Inaalala ko si Law eh, baka magalit 'yun dahil hindi pa naman ako nagpaalam. Kaya lang naalala ko 'di pala kami bati sa hindi malamang dahilan kaya bahala siya diyan.




Lumabas na kami ng office niya at dumiretso sa parking lot. Sumakay na naman kami sa magara niyang kotse, at nag-drive na siya.




"Where do you wanna eat?" biglang tanong niya na ikinagulat ko. Aba, may balak pa pala siyang itanong 'yan. Eh, halos buong araw akong walang kain dahil nakakahiya naman kung manghihingi ako ng pagkain. Nakakatakot kasi siya kanina. Buti na lang kumain ako kanina sa V.A.




"I'm sorry." Napataas ako ng kilay at napatingin sa kaniya.




"Para saan?" tanong ko. Pero iling lang ang natanggap ko at malalim na buntong-hininga.





"What do you think about my brother?" biglang tanong niya na napakunot ng noo ko.





"Si Luxrill?" Tumango naman siya. Napahinga ako ng malalim at nag-isip ng pwedeng isagot sa kaniya. Biglang namula ang pisngi ko. Naalala ko na naman kasi ang usapan namin ni Luxrill.





Nag-iwas ako ng tingin at tumingin na lang sa bintana. Napangiti ako ng bahagya nang makita ko ang mga buildings at city light. Gosh, nakakamiss din pala ang syudad.




"Okay lang naman. Gusto ko siya..." nakita kong humigpit ang paghawak niya sa manibela. "biglang kaibigan."





Ngumiti ako sa kaniya. "Pwede bang sa jollibee na lang tayo mag-dinner?" tanong ko. Geez, ilang buwan na rin nung huli akong kumain sa jollibee.





"Sure." Napangiti ako at napapalakpak pa. Naexcite tuloy ako. Kahit wala pa kami roon, naaamoy ko na ang amoy ng chicken joy!

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon