CHAPTER FORTY

175 11 0
                                    

CHAPTER FORTY


SAPPHIRE

Napakunot ang noo ko dahil kanina pa badtrib si Rant. Ni hindi ko siya maintindihan kung bakit nagkakaganon siya dahil wala akong matandaang ginawa sa kaniya. Nagsimula siyang magkaganito nang umuwi kami kahapon mula sa date namin.

Konti na lang maiinis na ako. Napakapabebe niya ah!

Nandito kami sa mansyon ni Master Vhax. Kaming mga leaders dahil bukas na ang party. Si Rant ay nanatili roon sa kwarto namin at nagbibusy-busy-han sa laptop niya! Ni hindi man lang ako binati ng good morning! Kainis!

"Ang aga-aga nakasimangot ka," Inis kong tiningnan si Batas na nandito pala.

Pigil na inirapan ko siya. Pasalamat siya at siya ang kapatid ni King kaya hindi ko siya masaktan. Hindi ko siya pinansin at diretsong kumuka ng pitcher sa ref para uminom ng tubig habang siya ay nagtitimpla ng kape.

"Problem?" tanong niya at sumandal sa counter table.

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "At kailan ka pa naging interesado sa buhay ko?"

"Since I help you yesterday," sagot niya.

Ang tinutukoy niya ay ang pagtulong niya kahapon sa akin para mamili kung anong ireregalo kay Rant. Gusto ko rin bumawi sa kaniya dahil ang laki ng ginastos niya sa akin.

"LQ kayo?" tanong niya. May pagkachismoso pala 'tong kapatid ni King. Yung ugali niya pinaghalong Luxrae at Luxrill. Minsan masungit. Minsan mabait.

I shrugged my shoulders and drank my water. Hindi ko naman talaga alam. Nag-aaway ba kami? Gosh! I don't even know what's our problem.

"Kulang lang 'yan sa sex." Napabuga ako ng iniinom ko dahil sa sinabi niya. Wth!

W-what is he saying? Biglang namula ang mukha ko at kung ano-ano ang naiimagine  ko. We never did that kind of thing and I also never did it with someone.

Inis na pinaghahampas ko si Batas. Kung ano-anong pinagsasabi nito! Nakakainis!

"Aray! Tama na!" At tumatawa-tawa pa ang loko. Sarap niyang pagsasaksakin. "Nag-aaway kami ng girlfriend ko dati dahil kulang kami sa sex. Baka ganoon din kayo." Tapos ay humalaklak pa siya.

Inis kong hinablot ang buhok niya at sinabunutan siya. Nakakainis. Ako ang nahihiya sa mga pinagsasabi niya. Parehas kaming napahinto nang may tumikhim. Natulos ako nang makita si Rant na matalim ang tingin sa aming dalawa.

Shet. Hindi ko alam pero kinabahan ako.

Tumalikod siya at naglakad palayo. Sinamaan ko ng tingin si Batas bago sundan si Rant. Mukhang badtrip ang lolo mo.

"Rant," tawag ko sa kaniya nang makapasok kami sa kwarto namin. Humiga lang siya sa kama at pinatong ang braso sa ulo niya. Parang ayaw talaga akong kausapin.

"Uy, Rant," tawag ko sa kaniya at sumampa sa kama.

"Babe." Sinundot-sundot ko ang braso niyang nanghihimutok ang muscles. Pero wala yata siyang balak na kausapin ako.

Buong araw na hindi niya ako pinansin. Mailap din siya sa akin at hindi talaga ako tinitingnan. Wala tuloy ako sa sarili habang nag-aayos ng mga kakailanganin para sa party bukas. Kainis!

Masama ang tingin ko kay Rant na nakikipagtawanan ngayon kila Lucifer. Grabe. Nagawa niya pa talagang makipagtawanan habang ako ay hindi nga makangiti sa inaasta niya.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon