CHAPTER SIX

569 34 13
                                    

CHAPTER SIX

ZEIAH


"Is that Princess Luxrine?"

"OMG! Ba't may kasama siyang girl?"

"And, King is just on their back!"

"Who's that girl?"


Grabeng mga bampira na 'to, may pagkachismosa rin pala at ang pinakamatindi pa roon, ako ang topic nila.


Paano ba naman kasi, yung babae kanina na si Luxrine? Aba, Prinsesa pala ng mga bampira. Hindi ko alam kung big deal ba 'yon, pero ngayon lang ba sila nakakita ng isang prinsesa na nakikisalimuha sa tao?



At ito pa! Isa pa 'to! Akala niya yata secret girlfriend ako ni King! OMG lang 'di ba. Ako? Girlfriend? Oo, sige, aaminin ko. Medyo crush ko si King, medyo lang naman. Eh, kasi naman 'di ba? Alam niyo yung feeling na makita mo lang siya, nakakalaglag panty na? Oo, ganon yon! At sino ba naman ang hindi magkakacrush sa kaniya? Halos yata lahat ng babae at bakla rito may pagnanasa sa kaniya, kaya lang yung iba takot sa kaniya. Hindi naman kasi siya palangiti, mukhang masungit kahit hindi naman talaga at karapat-dapat na galangin.


Pero girlfriend? Imposible naman yata yun.



"Kuya Rant and friends..."



Napatingin naman ako sa sinabi ni Luxrine, sabi niya Luxrine na lang raw kaysa Princess total girlfriend 'kuno' ako ni King, ngayon ko lang napansin sila Rant, Heylil, Archelle, Arthur, Lucifer kasama ang isang babaeng hindi ko kilala, at OMG! Andoon din si Law! Diretso siyang nakatingin sa akin, kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya. Nakakakaba kasi, pagnalaman niya na may jots (jowa) ako lagot ako nito.


Yumuko silang bahagya kay Luxrine, "Princess."



Ganun din kay King nang makita nila ito. Sabi nila nakakatakot daw si King? Eh bakit parang hindi naman? Ang bait kaya niya.



"Yiee! Namiss ko kayo guys!" sabi niya na pumapalakpak pa, pero nalukot ang mukha niya nang makita ang babae sa tabi ni Lucifer.



"Sino siya?" nakataas ang isang kilay na tanong niya. Ay pak! Ang taray!



Tumayo naman yung babae na sa tingin ko ay hindi naman kagandahan, sexy lang naman. Yumuko siya bilang pagalang.


"Ako po si Ri--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang magsalita si Luxrine.




"I don't care," umirap siya roon sa babae. May pagka-monggols (monggoloid) tatanungin kung sino yung girl tas magpapakilala na, sasabihin 'I don't care' hays, ang gulo talaga sa Earth. "Kuya Luci, is she your new fling?" diretsong tanong niya kay Lucifer. Si Ate Girl naman parang natanga.




"Nope. She's my stu---"




"You have your own taste in women, Kuya and this girl isn't suitable. She's ulgy. I don't like her," maarte at diretsang sabi niya. Kami naman ay nalaglag ang panga. Well, ako lang pala. Harap-harapan ba naman kasing sabihin sayo na pangit ka, anong mararamdaman mo?


Halos mangiyak-ngiyak si Ate Girl ay umalis na lang. Umupo naman kami sa bakanteng upuan. Si King katabi si Rant, tapos si Luxrine, saka ako, tapos si Law.



Nag-kwentuhan sila ng kung ano-ano at paminsan-minsan, nakikisali ako kapat relate ako. Lol. Pero di lang nakikisabay sina Law, Arthur, at King, si Law ayaw talaga niyan ng matagalang kwentuhan. Si Arthur, ngingiti-ngiti lang at tatango-tango.



Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon