CHAPTER THIRTY SIX

186 11 0
                                    

CHAPTER THIRTY SIX

LAWRENCE

Tumakas kami ni Leiah sa mga werewolves. Hapon nang paalis kami. Hindi ko alam kung paanong walang nagbabantay sa dinaanan namin pero nakaalis kami. Sinusundan naman namin ngayon ang mapa na hawak niya ngayon papunta sa main quarters daw ng hunters.

"Saan mo nakuha 'yan?" tanong ko.

"Basta," sagot niya habang ang attention ay nasa mapa pa rin. Napatitig ako sa kaniya.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang may kakambal si Zeiah. Half-vampire, half-mortal. May katangian siyang katulad ng mga bampira pero wala siyang special powers katulad ng iba. Kamukhang-kamukha niya si Zeiah. Ang pinagkaiba lang nila ay ang mga mata.

Hindi niya sinabi kung kaninong anak sila. Basta ang gagawin namin ngayon ay ililigtas ang mommy niya na hawak ngayon ng mga hunters. Nakaramdam ako ng kaba dahil kaharap ko ang kamag-anak ni Zeiah. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan si Leiah but I know deep inside me, I trust her.

Nakasunod lang ako kay Leiah. She's nice but she has this strict features in her face. Seryoso palagi ang mukha niya habang si Zeiah ay may pagkamataray. Gusto ko rin silang matulungan. Ito lang ang magagawa ko para kay Zeiah. After all, I'm still her big brother.

"Sandali," napatigil siya kata napatigil din ako. Napakunot ang noo ko. "Medyo malayo pa tayo pero hindi ko inaasahan na dito nagsisimula ang mga bantay nila."

Hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya pero nang makita ko na may nagmamasid sa amin ay agad ko itong nakuha. Shit. Agad akong nakaramdam ng kaba. May kapangyarihan ako pero hindi pa ako bihasa sa pakikipaglaban. Bigla silang sumugod ng sabay. Agad kong pinaulanan ng asido ang venom vampires habang si Lei ay nakikipaglaban gamit ang kutsilyong hawak.

May limang motor na dumating. Damn! Ang dami na nga ng venom vampires may dadagdag pa na hunters?! Paniguradong hindi namin kakayaning dalawa lalo na't sobrang dami nila at may mga armas pa sila. Tumingin sa akin si Leiah.

"Ako na ang bahala sa kanila. Go and look for some help," sabi niya sa akin.

Agad akong umiling. Hindi ako papayag. Hindi ko siya iiwan dito! I'll fight with her!

"Sundin mo na lang ako, Luxer please! Just trust me, please. Wala silang gagawin sa akin." Kahit anong sabihin niya hindi pa rin ako makapapayag. Tiningnan ko lang soya habang parehas pa rin kami nakikipag laban. "That necklace. It will help you to call a help from your brother. He will help you, Luxer. Trust him. Go!"

Tinulak-tulak niya ako palayo. Bahagya siyang napadaing nang may tumama sa kaniya mula sa armas ng mga hunters. Panay ang mura ko nang iwan ko siya doon. Damn! I feel so useless! Ano nang mangyayari sa kaniya? Anong sasabihin ko kay Zeiah? Napabayaan ko ang kakambal niya? It's all my fault.

Napahawak ako sa kwintas ko na kasama ang kaparehas na kwintas kay Luxrill. Kapag ba pinindot ko ito, tutulungan niya talaga ako? Would he help me? Napatingin ako sa mga puno dito sa kagubatan. I don't know where I am pero alam kong sinusundan nila ako.

Napaupo ako sa isang malaking puno. Hinihingal ako at ramdam ko ang panghihina ko. Pinindot ko ang botton sa kwintas ko kaya umilaw ito. Hindi ako tumigil sa kakapindot. I silently hoping that he would come and help me. I hope he will save me.

XEINA

Papasok dapat ako sa opisina ni Xenon nang marinig ko siyang sumigaw. Napangiti ako nang marinig ko ang frustration sa kaniyang boses. Narinig ko pang may nabasag na kung ano sa loob. Mukhang may problema. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at pumasok.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon