CHAPTER FORTY TWO

185 12 9
                                    


CHAPTER FORTY TWO

XEINA

"Are you okay?" tanong ko kay Magnus nang makitang mukhang badtrip siya. Agad na umaliwalas ang mukha niya nang makita ako.

Kahit nanghihimutok ako sa galit ay pinilit kong ngumiti. Hindi dapat siya manghinala sa akin. Magtitiis ako hanggang sa makaalis dito. Hindi na siya ang Magnus na kilala ko noon. Nagbago na siya. Nagpakain na siya sa galit na nararamdaman niya.

"Negosyo lang," sagot nito habang ang kamay ay pumulupot sa akin. Hinayaan ko siyang yakapin ako.

Siguro ang problema niya ay tungkol kay Yacinth. Paniguradong sa oras na ito ay alam na niyang nakatakas na ang babae. Kumalabog ang puso ko. Sana naman ay 'wag niyang malaman na ako ang may gawa noon.

Dahil sa oras na malaman niya, paniguradong hindi na ganito ang buhay ko rito. At sana, bago dumating ang oras na iyon ay dumating na Sila Vhax. Sana'y makarating sa kanila si Yacinth.

Sabay kaming kumain ni Magnus na parang wala lang. Parang normal lang sa amin ang lahat, normal na mag-asawa. Pagkatapos ay nagpaalam siya sa akin na may aasikasuhin lang. Hinalikan niya ako sa noo bago umalis.

Dahil wala akong magawa sa mansyon ay naisipan kong magdilig ng halaman sa likod ng bahay. Hindi lang para magdilig kun'di pati na rin ang pagmamasid.

Maya-maya'y may dumating na itim na van. Lumabas ang mga tauhan ni Magnus at may inilabas silang babaeng walang malay. Shit. May bago na naman silang bihag? Lumabas si Magnus at sinalubong ang tauhan niya.

Walang kung ano-ano'y lumapit ako sa kanila habang bitbit ang walis tingting sa kaliwang kamay ko.

"Magnus?" tawag ko sa pansin niya. Napatigil si Magnus at gulat na napatingin sa akin.

"Xeina."

"Sino siya? Bakit wala siyang malay?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

"A-ah. Naaksidente. Tinulungan lang namin," palusot niya na halos ikatawa ko.

Ang pangit niya magpalusot. Ang pagtulong ay isa sa mga hindi niya gagawin. At kung naaksidente ay bakit dito niya dinala at hindi sa hospital? Pero sige, sakyan natin.

"Ano?" gulat na tanong ko. "Dalian mo at ipasok mo siya sa loob ng bahay!"

Nag-aalinlangan pa ang mga tauhan niya na sundin ako. Hindi ako papayag na gawin ulit nilang bihag ang babaeng ito.

"Magnus!" tawag ko nang hindi sumunod ang mga tauhan niya.

Wala siyang magawa kundi sundin ang utos ko. Binuhat nila ang babae at dinala sa guest room ng mansyon. Nanatiling nasa loob si Magnus.

"Hindi ba ay may trabaho ka pa? Ako na ang bahala sa kaniya," sabi ko na sinunod naman niya.  Lihim akong napahalakhak sa loob ko.

Tiningnan ko ang babaeng walang malay. Hinaplos ko ang buhok niya at tinanggal ang mga nakaharang sa mukha. Makapal ang pilik mata, matangos ang ilong at makapal ang labi. Nagpakagandang dalaga.

She look like a younger version of me.

Iniwan ko muna siya roon para kumuka ng isang basin ng maligamgam na tubig. Pagbalik ko ay dahan-dahan ko siyang pinunasan. May kung anong humahaplos sa dibdib ko sa tuwing tinititigan ko siya. Parang magkalapit kaming dalawa at pamilyar sa akin.

Nang pinunasan ko siya sa leeg ay nakita kong may kwintas siyang suot. Tiningnan ko ito at napatigil ako. Pamilyar sa akin ang kwintas at hindi ako pwedeng magkamali. Ito ay isang heirloom necklace ng mga bampira.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon