CHAPTER TWENTY FIVE

222 14 0
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

YACINTH

Kasama ko sila Von at Rain, habang sinusundan ang isang grupo ng vampire hunter. Inutos samin ni King na magmanman hanggang sa may malaman kaming impormasyon.




Nasundan namin ang mga Hunters hanggang sa makarating kami sa isang head-out nila. Sinigurado naming walang makakakita sa amin. Luma na ang bahay na head-out nila. Gawa ito sa lumang kahoy at butas-butas ang ang kisame. Pumasok kami sa loob at sinundan ang mga hunters.







Dahan-dahan kaming umakyat sa sirang hagdan pero lumusot ang paa ni Rain sa butas. Agad naman siyang inalalayan ni Von. Nag-iwas na lang ako nang tingin. Hindi ngayon ang oras para isipin ang nararamdaman ko. Napatuloy kami hanggang sa nakita namin sila sa isang kwarto.




May mga nagkalat na bote ng alak sa loob at ang iba ay lasing na. Nagpatuloy lang kami sa pagmanman. Si Von naman ay iniwan muna kami para umikot sa buong kabahayan.




"Tangina, 'tol. Nasundan daw sila Mark ng mga bampira. Nakawala raw ang mga hinuli natin. Kailangan ulit nating kumuha ng mga tao," sabi noong isa pagkatapos ibaba ang telepono.



Napakunot ang noo ko. Anong ibig nilang sabihin?



"Saang lugar naman tayo manghuhuli ha?" tanong ng isang lalaki.




"Sa bayan ng Mareles 'tol. Bukas na bukas pupunta tayo roon kaya maghanda kayo. Sa ngayon, magsaya muna tayo," sabi ng isa at tinungga ang alak.





Nagkatinginan kami ni Rain. Tsk. Sige magsaya lang kayo dahil hindi matutuloy bukas ang mga plano niyo.




Iginalaw ko ang mga daliri ko habang nmakatingin sa tubig na nasa pitcher. Pinagalaw ko ang tubig at ibinuhos iyon sa mukha ng isang lalaki. Nagulat naman ito at napahilamos ng mukha.




"Puta?!"




Hindi namin ni Rain mapigilan mapatawa. Biglang namatay ang ilaw na alam kong kagagawan ni Von. Nagpanic naman ang mga hunters at kaniya-kaniyang kuha ng mga flashlight. Nakita ko sa liwanag si Von na nasa loob.  Iginalaw nito ang mga lamesa at upuan. Kita ang gulat at pagkatakot sa mga mata nila habang nakatitig sa lumulutang na mga upuan at lamesa.




"Tangina 'tol. Masyado na yata akong lasing! Minumulto yata tayo!" sigaw ng isa. Nagsitakbuhan naman sila palabas. Hindi nga nila kami napansin nang madaanan nila kami.




"Hindi kayo minumulto. Binabampira lang kayo," nakangising sabi ni Von sa lalaki habang hawak ang likod nito.




Mabilis na binunot ng hunter ang baril nito sa bulsa pero si Von ay isang Telekipires. Kaya nitong kontrolin ang mga bagay kaya pinalutang niya palayo ang baril sa lalaki at malakas na siniko ito sa batok dahilan para mawalan ito ng malay.




He smirked at us. Lumapit siya kay Rain at ginulo ang buhok nito. Napairap na lang ako. Para naman akong hangin dito. Hindi ko pinansin ang sakit na naramdaman at tumalikod na lang sa kanila. Tangina. Maling desisyon nga yata na sinabi ko sa kaniya ang nararamdaman ko. Iniiwasan na niya ako eh.




Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon