Prologue

1.2K 18 13
                                    

First installment of Monte Casa Series 1:
Sweet Escape

NOTE: I can't still edit this story of mine but please be reminded the Apollo's name, which is the eldest of the siblings, will be changed to Hades. Ty. Mwah.

DISCLAIMER:
THIS IS A WORK OF FICTION. Names, characters, places, events, locales and incidents are either the product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, create derivative works from or exploit the contents of this story in any way without permission.

Note: This novel is UNEDITED and in the first draft. This story consist of grammatical and typographical errors. Some words are redundant. There are cussing and some violence as well as sexual harassment.

*****
Sweet Escape (Monte Casa Series 1)

Beatrice Vasco is loved by everyone, adored by everyone and admired by everyone. Not until that day.

All rights reserved.

Written by: mrglvs

*****


"Mama? Sa'n ulit tayo pupunta?" Tanong ko kay mama.

Nakaharap kami ngayon sa purple kong vanity table. Nilalagyan nya kasi ako ng make up na hindi ko naman alam kung para saan.

"Ano ka ba!" Sinaway nya ako. Pinandilatan ng mata. "Di'ba sabi ko pupunta tayo sa party nina ninong mo?" Sagot nya habang inaayos ang buhok ko.

"Ah. Yung mga Monte Casa?" Tanong ko habang kinukutkut ko ang aking dress. Tumango naman si Mama.

Monte Casa.

Mga mayayaman na tao. Sila halos ang may ari ng real estates sa probinsiya namin. Mayroon silang mga condominiums, apartments, villa, etc. O baka sa buong bansa? Hindi ko din alam eh. Hindi ako masyadong informed sa kanila.

Basta ang alam ko lang eh deserved nila ang mga nakamit na nila. Lalo na yung ninong ko na minsan ko lang ata makita. Si Don Andres Monte Casa.

Pa'no ko sya naging ninong? Magkababata kasi sila mama at papa. Close friend pa.

"Oh." Pinatayo ako ni mama. Nakasuot ako ng white dress na may yellow flowers na design. Meron din akong bag, kwintas, at bracelet na suot. Abot hanggang kalahati ng hita ko ang dress. Hindi ko gusto pero hindi ko naman ayaw. Okay lang para sa akin.

"Ang ganda mo na, Trice, dalagang-dalaga ka na!" Talagang pinaikot pa ako ni mama.

Nag-pout ako. "Dalaga na po ba ako?" Sabi ko habang tinitingnan ang sarili sa human-sized mirror namin.

Light brown na buhok at katamtamang haba, kulay hazel na mata kasi may lahi daw kaming banyaga, mahabang eyelashes tapos matangos na ilong. Katamtamang din lang ang pula ng cheeks ko na talagang makikita mo kasi mestiza ako. Maputi din ako na kitang-kita ang pula sa iba't ibang parte ng katawan ko. Sabi nila maganda daw ako at dapat na magmodel. Pero ayoko.

"Aba'y oo! Ay nako." Sabi nya habang sinusuklay ang sariling buhok. Nakared na dress si mama. Kahit kasi na matanda na sya, maganda pa rin sya.

"Ah eh, 16 pa lang naman ako, paanong dalaga na ako Ma?" Tanong ko habang naglalagay ng liptint sa lips ko. Kaunti lang, mapula rin naman ang labi ko eh.

"'Yun nga!" Sambit ni Mama. Tila nauubusan na siya ng pasensya sakin.

Naupo na ako sa kama pagkatapos kong ayusin ang sarili ko. Pinanood ko pa si mama na maglagay ng mga jewelry niya. Hindi kami mayaman pero hindi rin naman kami mahirap.

Sweet Escape (Monte Casa Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon