Chapter 50

1.1K 60 3
                                    

TROJAN'S POV

"We're here." Wika ko habang nakatingin sa isang grocery store. Pinagmamasdan ko ang bawat kilos ng mga tao rito ngunit mukhang wala silang alam, mga normal na ma mamimili lamang sila.

"Seryoso ka ba bakla na dyan nagtatago ang kampon ni Haru? Sa Grocery Store talaga?" Nata-tawang tanong ni Kimboy.

"Oo nga bakla, mukhang nalinlang ka ni Sunny boy." Singit naman ni Geraldine.

"Of course not. Dito yon.  Let's take a look." Wika ko sakanila.

"Ano ba yan, agang-aga naman ng pagsugod mo baks. Jantoks pa ko oh! "Angal na naman  ni kimboy habang nagkikikilay. Baklang 'toooo! Sinamaan ko sya ng tingin na agad namang itinago ang kanyang pang kilay.

"S-Sabi ko nga gora na tayo."

Akma silang bababa na ng kotse upang sumugod. Agad kong nasapo ang aking noo. Jusko! Para silang mga pioneer kung mag-isip! Mga bobita!

"Gaga ba kayo? Susugod kayo ng walang armas?!" singhal ko sa kanila. Mga gaga talaga ang mga to.

"Ay? oo nga no. HAHAHA!"

"Pasensya naman, tagal na naming di ginagawa 'to 'no! Wag sana ko majombag sa peslak kundi kikitilan ko talaga sila ng buhay! "Wika ni Geraldine atsaka pinadaan ang hintuturo sa leeg.

Umiling nalang ako sabay irap. Naiintindihan ko naman sila pagdating dito dahil matagal din kaming hindi nakapag ensayo at nakipag laban sa mga basagulerong may hinanakit sa amin.

Kinuha ko ang itim na bag sa may passenger's seat. Binuksan ko ito at tumambad sakin ang mga baril, bomba, at bilisong na pagma-may ari ni Sunny boy.

Oh yes, I stole it. Binigyan ko sila ng tig-iisang baril. Syempre sakin yung baril na pinaka bongga, ang Beretta U22 Neos. Pangalan pa lang bongga na!

"Ano ba bakla! Wag mo sakin itutok! Barilin kita eh! "Dinig kong sigaw ni Stan kay Geraldine na inaayus ang baril nya.

"Sorry naman. Init ng ulo? Baklang 'tooo!"

"You ready na mga bakla?" tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa grocery store. "Gora!" sigaw nila kaya naman bumaba na kami ng kotse. Syempre nakatago na ang mga baril namin. Sabay-sabay kaming pumasok ng grocery store.

Palinga-linga ako sa kaliwa't kanan, nagmamadasid kung may kakaiba dito. Kumuha ako ng cart at kunwaring namimili.

In fairness maraming namimili, magkano kaya kinikita nila dito maliban sa pagbebenta ng illegal drugs at kung ano-ano pa. Sa isang tabi ay may nakita akong naka-display na itim na mask. Pasimple ko itong kinuha at isinuot.

"Baks, negative naman eh," bulong sakin ni Geraldine. Hindi ko sya nilingon. Hinanap ko ang mga CCTV na nandito ngunit bilog na salamin lang ang nandito na nagsisilbing CCTV nila. Low budget CCTV mga beh!

"Just follow me." saad ko sa kanila. Nagsimula na akong maglakad-lakad habang tulak-tulak ang cart. Bago pa ako makalampas sa isang pasilyo ng mga pancit canton ay biglang may bumangga sakin.

Napatingin ako sa kung sino mang shuta ang bumangga sa akin. Apat silang lalaki na agad kong nakilala. Nilampasan na nila ako, mukhang hindi nila ako nakilala dahil sa suot kong mask. Sinundan ko sila ng tingin.

Puros itim ang kanilang suot. Lumapit sila sa isang babae na nagbabantay sa meat section. Ilang sandali pa'y naunang pumasok ang babae sa isang pinto at sumunod naman silang apat sakanya na lilinga linga.

I smell something fishy mga beh! Pagsarado ng pinto ay nagmamadali akong sumunod kung saan sila pumasok.

Pagsisisihan nyong dinamay nyo ang babaeng mahal ko.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now